News

Dahil sa leakage, ENG1 exam ipinaulit

nina Ladylove Baurile at Ana Genesis Joy Salvador

Naglunsad ang English Division ng Kagawaran ng Humanidades (DHUM) ng panibagong College English (ENG1) departmental examination isang linggo makalipas ng nauna, nang mapag-alamang nagkaroon ng leakage sa naunang pagsusulit.

Ayon kay Prop. Jerry Yapo, Tagapangulo ng DHUM, “The English Division of DHUM decided to require students who are enrolled in ENG1 to have another exam. Such exam invalidated the earlier exam which was administered in lecture classes.”

Nag-ugat ‘di umano ang leakage sa mga estudyanteng kumuha ng larawan ng pagsusulit sa ENG1 na inilantad sa Facebook, isang social networking site.

Ayon naman kay Sam*, isang maaring pinagmulan ng leakage ay ang pagrerebyu na isinagawa sa klase ni Prop. Willie Remollo ilang araw bago ang pagsusulit.

“Kung ano ‘yung ni-rebyu namin, halos ganun din ‘yung lumabas sa exam, ibang words lang iyong napalitan, halimbawa pangalan. ‘Saka gusto ni Sir [Remollo] na i-take down notes namin lahat,” ani Sam.

Sinubukan ng Perspective na hingan ng panayam ang nasabing propesor, ngunit hiniling nito na ang English Division Head na si Prop. Emerita Cervantes na lamang ang makapanayam ng dyaryo. Tumanggi rin ang huli at sinabing ang Tagapangulo (Prop. Yapo) na lamang ng DHUM ang kausapin hinggil sa pangyayari.

“This (exam) was done to ensure the integrity of evaluation procedure in the course. Rest assured, everything is done to prevent the occurrence of leakage in exams,” ayon sa tagapangulo.

Samantala, nagkaroon ng sari-saring reaksyon ang mga estudyanteng kasalukuyang kumukuha ng ENG1 nang ituloy ang retake.

“For me naman, it’s fair kung nagkaroon ng leakage tapos certain recit section lang [ang uulit], parang unfair naman iyon sa iba [na section na wala namang leakage] kasi may edge na sila,” pahayag ng isang mag-aaral ni Prop. Cervantes na tumanggi ring magpapangalan.

Ayon naman sa isang mag-aaral ni Prop. Remollo, “Hindi ako pabor kasi nakapag-exam ka na, bumagsak ka o pumasa ka sa exam, fault mo. Para doon sa mga bumagsak, maganda ‘yon, pero doon naman sa mga nag-aral, mahihirapan na naman sila.”

Samantala, karamihan sa mga mag-aaral na nakapanayam ng Perspective ay nagsabing higit na madali ang ikalawang pagsusulit dahil di umano’y halos pareho lang ang istruktura nito sa nauna. Dagdag pa ng ilan, mas nakapaghanda na ang mga mag-aaral dahil may ideya na sila hango sa naunang pagsusulit. [P]

*Hindi niya tunay na pangalan.

UPLB Perspective is the official student publication of the University of the Philippines Los Baños, established in 1973. It is the first campus publication established under Martial Law in the Philippines.

1 comment on “Dahil sa leakage, ENG1 exam ipinaulit

  1. Duh… what is the problem in here?
    Leakage na ba yun?
    It is the professors prerogative!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: