News

One Billion Rising For Justice, muling isinagawa sa UPLB Feb Fair

BANGON, BABAE, BANGON: Sabay-sabay na sumayaw ang mga nasa UPLB Feb Fair grounds para sa taunang One Billion Rising for Justice. Larawan: Guien Garma.
BANGON, BABAE, BANGON: Sabay-sabay na sumayaw ang mga nasa UPLB Feb Fair grounds para sa taunang One Billion Rising for Justice. Larawan: Guien Garma.

NI GUIEN GARMA

[UPDATED: 12:40am, February 15] Kung noong Miyerkules ay sa harap ng DL Umali Hall nag-indakan, ngayong Biyernes ng gabi, sa mismong Feb Fair grounds nagsayawan ang komunidad ng UPLB para sa taunang One Billion Rising for Justice.

Bago umindak ang mga kalahok sa kantang “Isang Bilyong Babae ang Babangon,” rumampa muna ang ilang mga miyembro ng mga organisasyong nag-organisa ng OBR nang may hawak na mga placard upang ipahayag ang kanilang mga isinusulong, kabilang ang pagbuwag sa lahat ng uri ng pork barrel, karapatan sa edukasyon, at pamamahagi ng lupa.

Hawak-hawak ni Bani Cambronero ang isang "yellow pork" origami, sumisimbulo sa Presidential pork barrel, sa One Billion Rising for Justice sa Feb Fair 2014. Larawan: Guien Garma
Hawak-hawak ni Bani Cambronero ang isang “yellow pork” origami, sumisimbulo sa Presidential pork barrel, sa One Billion Rising for Justice sa Feb Fair 2014. Larawan: Guien Garma

Ang naturang programa ay inilunsad ng Gabriela Youth-UPLB at Samahan ng Kabataan Para sa Bayan (SAKBAYAN).

Nagsimula noong 2013, ang One Billion Rising ay isinasagawa tuwing Pebrero 14 upang ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan sa buong kapuluan at sa buong mundo. [P]

0 comments on “One Billion Rising For Justice, muling isinagawa sa UPLB Feb Fair

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: