mula sa mga pag-uulat nina PRINCES BULACLAC AT GUIEN GARMA
Pansamantalang naantala ang halalan sa C-122 polling precinct sa Institute of Computer Science matapos nagkaroon ng problema sa koneksyon sa Internet.
Unang nakatanggap ang [P] ng ulat ukol sa naturang pagkaka-antala bago mag-alas dos ng hapon. Matapos nito, muling nakatanggap ng ulat ang pahayagan na nagsasabing bumalik na sa normal ang situwasyon matapos ang dalawa hanggang tatlong minuto lamang na pagkaka-antala.
Ngunit bandang 2:19 ng hapon, muling nakanggap ang [P] ng ulat na nagka-aberya muli sa C-122.
Ayon sa isang poll watcher na naka-usap ng [P], bandang alas-dos ng hapon nang magsimulang natigil ang halalan dahil sa problema sa Internet. Matapos ang halos 30 minuto, nagbalik na sa normal ang situwasyon sa polling precinct.
Habang sinusulat ang balitang ito, muli nang nakakaboto ang mga estudyante sa C-122. [P]
Para sa iba pang mga updates ukol sa halalan, kabilang na ang quick count ng bilang ng mga nakaboto na, manatiling nakatutok sa UPLB Perspective sa Facebook at Twitter.
0 comments on “Botohan sa ICS, panandaliang natigil”