Nasa 6,029 na mga mag-aaral ang nakilahok at bumoto sa ginanap na dalawang-araw na halalan para sa University at College Student Councils sa UPLB na nagtapos ngayong araw.
Ang numerong ito ay katumbas ng 45.6% ng kabuuang bilang ng mga nakarehistrong estudyante ng pamantasan. Ito ay mas mataas sa 39.07%, o 4,287 na mga estudyante, na naiulat noong nakaraang taon.
Samantala, ang Kolehiyo ng Komunikasyong Pangkaunlaran (CDC) ang may pinakamataas na voters’ turnout sa lahat ng mga kolehiyo, na may 75% turnout, Ito ay mas mataas sa 60% na turnout noong nakaraang taon. [P]
0 comments on “Porsyento ng bumoto ngayong taon, umabot sa 45.6%”