Mula sa mga ulat ni FILAN REYES
Tatlong taon na ang nakalipas, mabagal pa rin ang gulong ng hustisya para kay Given Grace Cebanico, isang estudyante ng Computer Science na ginahasa at pinatay noong Oktubre 2011.
Para sa ikatlong anibersaryo ng kanyang pagkamatay, nag-sindi at nag-alay ng mga kandila ang mga estudyante, iba’t-ibang grupo at organisasyon sa pamantasan, kabilang ang UPLB Perspective, nitong Martes ng gabi, Oktubre 14, sa Carabao Park.
Bumuhos man ang ulan bago magsindi ng mga kandila, nakita ito ng mga dumalo bilang pagdalamhati mula sa mga kalangitan.
Ayon kay Yvann Zuniga, Gender Rights and Equality Committee Head ng UPLB University Student Council, responsibilidad ng gobyerno ang pagpapatibay sa mga batas na mangangalaga sa mga karapatang pantao ngunit ito ay hindi nagagampanan nang maigi.
Dagdag niya, “may mga batas mang nagsusulong ng pangangalaga sa mga kababaihan at mga kabataan, ang mga ito ay hindi naipapatupad nang maigi at ito ay makikita sa hindi maayos na takbo ng mga kaso na kalaunan ay maaaring mauwi sa hindi pagpapanagot sa mga may sala.”
Ayon naman kay Diego Torres ng Anakbayan-UPLB, ang kawalan ng hustisya sa kaso ni Given Grace ay repleksyon ng pangit na sistemang pangkatarungan.
Pinasaringan rin ni Torres ang ng mga curfew sa mga dorm sa pagbaba ng seguridad sa loob at labas ng pamantasan. Aniya, ang mga mag-aaral ay hindi malayang gumamit ng mga pasilidad sa paggagawa ng kanilang mga akademikong gawain at pangangailangan.
Nakatakda ang susunod na pagdinig sa kaso ni Cebanico sa Oktubre 23. [P]
Pingback: Indignation rally, inilunsad bilang tugon sa magkasunod na insidente ng karahasan | UPLB Perspective
Pingback: Chancellor Camacho debunks PNP’s report of partnership. Campus remains off-limits from police and military – UPLB Perspective