News

Indignation rally, inilunsad bilang tugon sa magkasunod na insidente ng karahasan

Ulat nina DENISE ROCAMORA at VICENTE MORANO III

Bunsod ng dalawang magkasunod na insidente ng karahasan na naganap kamakailan, pinangunahan ng iba’t ibang organisasyon kahapon, Oktubre 17 ang isang indignation rally sa tapat ng Humanities Building, UPLB.

Ito ay  upang ipanawagan ang hustiya para sa isang menor de edad na mag-aaral ng UPLB na ginahasa ng isang tricycle driver noong Oktubre 15 na gumulantang muli sa buong kampus at nagbunga ng malaking isyung patungkol sa seguridad sa Los Banos. Ito rin ay para kay Jennifer Laude, isang transwoman na di umano ay pinatay kamakailan lamang ng isang US Marine PFC Joseph Scott Pemberton.

Ang ginanap na protesta ay pinangunahan ng UPLB University Student Council (USC) Gender Rights and Equality Committee, UPLB Babaylan at Gabriela Youth-UPLB (GY).  Sa isang press release, ipinahayag ng  dalawang grupo ang kanilang hinaing ukol sa ‘victim blaming’ na nagaganap patungkol sa mga kaso ng ‘gender-related violence’.

“These cases do not only demand criminal justice but, more importantly, social justice,” wika ng dalawang grupo.

“Walang ginagawa ang ating adminitrasyon para puksain ang mga gender-related violence dito sa ating bansa,” ayon naman kay Alon Velasquez, Education and Publicity Committee Head ng UPLB Babaylan. Dagdag niya pa, tila wala daw nagsisiguro sa kaligtasan ng mga iskolar ng bayan.

“[Para po sa ating administrasyon,] huwag na tayong maging reactionary, na kung kailan lang may mangyayaring ganitong insidente, saka lang tayo kikilos. We demand na dapat may mga program na sila and action para ma-prevent ang mga ganitong insidente,” ayon pa kay Velasquez.

Samantala, sa huling panayam ng UPLB Perspective sa University Police Force (UPF) at sa Office of the Vice Chancellor for Academic Affairs (OVCAA), tumanggi silang magbigay ng impormasyon sa kadahilanang ang kaso ay itinuturing na confidential.

Kahapon, Oktubre 17, nahuli at umamin si bente sais anyos na si Jose Montecillo, na nanggahasa sa UPLB student. Nagpahayag si Montecillo ng pagsisisi sa kanyang nagawa.

Kaugnay ng kasong ito, matatandaang noong Oktubre 14 lamang ay ginanap ang paggunita sa ikatlong taon ng pagkagahasa at pagkamatay ni Given Grace Cebanico, na isa ring mag-aaral ng UPLB na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng pinal na hatol ang nasasakdal. [P]

2 comments on “Indignation rally, inilunsad bilang tugon sa magkasunod na insidente ng karahasan

  1. Pingback: Images of gender violence and discrimination | Los Baños Times

  2. Pingback: LGBTQI+ Filipinos still belittled, silenced under Duterte – UPLB Perspective

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: