News

#UPLBElections2015 | IN FULL: SAKBAYAN General Plan of Action

[EDITOR’S NOTE: Platforms of government, or as more known in the UPLB election landscape, general plan of action, lay down a political party’s concrete plans and projects should they win in the polls. UPLB Perspective is publishing in full the general plan of action of the two political parties running for the University Student Council elections.]

Patuloy na ipagtanggol ang karapatan ng mga estudyante!

  1. Isulong ang makabayang edukasyon at tutulan ang neokolonyal na balangkas tulad ng internationalization of education, labor export policy at K-12 basic education program.
  2. Paigtingin ang pagkilos para sa wastong alokasyon ng pondo ng bayan at paglipat ng pork barrel funds sa serbisyong panlipunan kabilang ang mataas na subsidiya sa edukasyon.
  3. Pataasin ang pakikisangkot upang labanan ang socialized tuition schemes na nagsisilbing smokescreen ng tuition increase; itulak ang flat-rate tuition.
  4. Isulong ang pagrebyu sa arbitraryong schools fees at bayarin sa dormitoryo tulad ng reservation deposit at university facilities tulad ng rental fee
  5. Patuloy na ilantad at labanan ang iba’t ibang anyo ng komersyalisasyon ng lupain at pasilidad ng pamantasan tulad ng SU commercialization, pagpapaupa ng UP Land Grant sa pribadong negosyo at pagtatayo ng special economic zone sa UPLB campus
  6. Itulak ang pagbuhay sa University Food Service at iba pang pagpapalawig ng student access sa university services at
  7. Isulong ang pagbabasura ng arbitaryong mga polisiya na hindi dumaan sa demokratikong konsultasyon.
  8. Palakasin ang paglaban sa tambayan phase out at isulong ang pagpasa ng student-drafted organization policy.
  9. Ituloy ang laban sa stringent dormitory policies at itulak ang pagbubuo ng Magna Carta of dormers
  10. Tutulan ang umiiral na curfew sa kampus at itaguyod ang security policy na nakabalangkas sa pagpapalawig ng kalayaang akademiko.
  11. Paigtingin ang pagsulong ng fiscal autonomy ng Konseho ng mga Mag-aaral at UPLB Perspective.
  12. Patuloy na ipaglaban ang pangangasiwa ng mga mag-aaral sa gusaling Student Union.

Patuloy na ipagtanggol ang karapatan ng mga mamamayan!

  1. Makiisa sa pagtataguyod ng pambansang soberanya ng Pilipinas at pagtakwil sa dayuhang panghihimasok sa anyo ng EDCA, VFA at iba pa.
  2. Suportahan ang panawagan para sa inclusive at sustainable economic development kabilang ang pagsusulong ng national industrialization at genuine agrarian reform.
  3. Makiisa sa pagtataguyod ng pangangalaga ng kalikasan na nakabatay sa pangangailangan ng mamamayan at tutulan ang large-scale mining, commercial logging at land use conversion na nakasisira sa kalikasan at kabuhayan.
  4. Pataasin ang kamalayan at paglaban ng mga Iskolar ng Bayan sa mga paglabag sa karapatang pantao at malawakang militarisasyon lalo na sa Timog Katagalugan at Mindanao.
  5. Ipagpatuloy ang pakikisa ng UPLB sa pananawagan ng truth and accountability sa pamahalaan at ang pagtakwil sa patronage politics, korupsyon at iba pang kabulukan sa gobyerno.
  6. Isulong ang makabayan, makamasa at siyentipikong kultura alinsunod sa saligang batas ng UPLB USC-CSC.
  7. Masiglang makiisa sa pakikibaka ng manggagawa, maralitang tagalunsod, migrante, kawani, magsasaka, mangingisda, pambansang minorya, kababaihan, LGBT at iba pang mamamayan para sa kanilang mga sektoral na interes.
  8. Pataasin ang paglahok ng mga Iskolar ng Bayan sa basic masses integration at ilunsad ang programang Weekend-at-the-Barrio.
  9. Palakasin bilang palagiang makinarya ang Serve the People Brigade upang makatulong sa mga komunidad hindi lamang tuwing panahon ng sakuna.
  10. Palakasin ang pakikiisa para sa security of tenure, democratic representation at iba pang kahingian ng UP faculty, administrative staff at research and extension personnel.
  11. Makipag-alyansa sa mga jeepney drivers at operators, small and medium entreprenuers at iba pang constituents sa paligid ng pamantasan para itaguyod ang kanilang karapatan at kagalingan.
  12. Pasiglahin ang gawaing alyansa ng konseho upang makahikayat ng iba’t ibang cause-oriented na organisasyon, alyansa at mga personahe upang makakalap ng malawak na suporta sa mga adbokasiya ng mga estudyante at mamamayan.

Ipagpatuloy ang representasyong nakaugat sa mag-aaral at kolektibong pamumuno sa loob at labas ng konseho!

  1. Patuloy na tiyakin ang representasyon ng mga mag-aaral sa mga administrative committees ng pamantasan.
  2. Paganahin ang USC Volunteer Corps upang mapalawig ang pakikisangkot ng mga mag-aaral sa pang-araw-araw na gawain ng konseho.
  3. Tiyakin ang gumaganang sistemang komite na kinapapalooban hindi lamang ng mga kagawad ng USC kundi maging ng mga kasapi ng Volunteer Corps.
  4. Palagiang maglathala ng Sanggunian, opisyal na pahayagan ng USC.
  5. Gamitin ang college bulletins at social media sa pagpapakalat ng impormasyon at maglagay ng mga drop boxes sa mga susing lugar upang makakalap ng feedback.
  6. Ipagpatuloy ang regular na pagdaraos ng pulong ng Council of Student Leaders, Student Legislative Chamber at Freshman Bloc Assembly bilang lunan ng konsultasyon at pagbubuo ng mga resolusyon.
  7. Maglaan ng kinakailangang suporta sa pagpapatibay ng mga alyansa/ pormasyon tulad ng IFC, ISC, ADA, AVO, VA, SAA, KULAYAN at WAR.
  8. Manguna sa pagpapalakas ng alyansa ng mga Konseho ng Mag-aaral tulad ng ksup at nusp at iba pang alyansang pangkampanya tulad ng Youth act Now, UP Laban sa Baboy, Slam Aquino at mga katulad na pormasyon.
  9. Maglunsad ng mga forum at gawing regular ang programang sibak (Sa IBAng Klase) para sa alternatibong pag-aaral na maglilinaw ng mga usaping panlipunan at tutulong sa pagbuhay ng academic discourse.
  10. Ipagpatuloy ang tradisyon ng Feb Fair at paramihin ang artistic, musical at iba pang cultural activities upang mapalawig ang pag-angat ng kamulatan ng at pagbigkis at sa mag-aaral.
  11. Patuloy na ilunsad ang assistance activities sa freshmen registration at upcat takers upang ihanda sila sa buhay-iskolar.
  12. Makipag-ugnayan sa Gabay Volunteer Corps at SOAD sa pagdaraos ng mga pag-aaral at pagsasanay.

Ang bansang Pilipinas ay ang mismong sambayanan. Kaya ang pagtataguyod ng bayan ay hindi lamang tungkulin ng mga kinauukulan, kundi nangangailangan ng malawakang pagpapalahok sa mamamayan. Susi sa tagumpay ang pagkilala at masusing pagsusuri sa mga suliranin ng bansa upang matiyak ang masiglang pakikisangkot ng nakararami sa pakikibaka para sa karapatan, kalayaan at soberanya.

Ang pagsasabuhay ng nasyonalismo na inaasahan mula sa mga Iskolar ng Bayan ay walang iba kundi ang buong-pusong paglilingkod sa sambayanan – ang paghangad ng kanilang pag-unlad, pakikitunggali kung kinakailangan, at mahigpit na pakikiisa sa nagpapatuloy na laban sa panunupil, pang-aapi at panghihimasok. Makiisa at sama-sama nating angkinin ang laban; angkinin natin ang tagumpay.

 

Patuloy na ipagtanggol ang karapatan ng estudyante’t mamamayan

sa diwa ng paglilingkod sa sambayanan!

ATIN ANG LABAN, ATIN ANG TAGUMPAY!

 

0 comments on “#UPLBElections2015 | IN FULL: SAKBAYAN General Plan of Action

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: