Karahasan laban sa mga welgista, patuloy
Ulat mula kay ANDREW ESTACIO at CLARIZA CONCORDIA
“Naitayo namin ito, paninindigan namin, hangga’t hindi namin nakakamtan ang (aming) ipinaglalaban at ang hustisya para sa aming mga manggagawa.”
Iyan ang iginiit ni Anse Are, tagapangulo ng Tanggulan Ugnayan Daluyong ng Lakas-Anakpawis ng Tanduay Distillers Inc. (TUDLA) sa patuloy na kilos protesta ng mga manggagawang kontraktuwal ng Tanduay Distillers Inc. upang ipanawagan ang regularisasyon sa trabaho.
Anila, hindi sila aalis hangga’t hindi natutugunan ang kanilang panawagan para sa kanilang karapatan bilang mga manggagawa.
Sa loob ng mahigit apat hanggang 11 taong pagtatrabaho sa kumpanya, nanatiling kontraktwal ang 90% ng mga manggagawa ng Tanduay Distillers Inc., na pagmamay-ari ni Lucio Tan. Tatlumpu’t apat lang naman ang mga regular na manggawa ng kumpanya.
Bukod pa rito, sa kabila ng bilyun-bilyong kinikita ng kumpanya taun-taon, mababa pa rin ang sahod sa lakas-paggawa. Umaabot lamang daw sa Php 315 ang…
View original post 1,024 more words
0 comments on “#TanduayWorkersOnStrike, isang linggo nang nagpapatuloy”