Culture

SKETCHPAD | Magbasa, mag-re-ad.

ni KUWAN

Expectation: BAYAD LAHAT NG PINAGHIRAPAN KO!

Kumakain na ako sa Big Belly’s.

Kaya nadaanan ko na ng GM yung mga orgmates ko.

Tumalon ako ng mga tatlong beses.

Natanggap ko na yung decision. Approved!

Cursive at matinta yung pirma. Kulay blue ang gamit na ballpen. Nasa dilaw na notepad at naka-staple.

Nakita ko.

Pumasok ako sa pinto ng OC.

Pagod. Hingal. Punas. 2 weeks na akong ganito. Ubos na yung perang tabi na dapat pambabayad sa tubig at kuryente.

Jeep. Lakad. Jeep. Lakad. Jeep.

Yung iba—vacation mode.

Wala pa kasi yung pipirma sana. College Dean. Students’ Dean/OSA. Student Welfare. Committee. Adviser.

Ang dami kong dinaanan—pinagdadaanan.

Legit na papers na patunay na ‘di ako delingkwente.

Photocopy ng ID ni nanay.

SAP.

TCG.

Plan of Action para di na maulit.

Plan of study.

Patunay na alam ni nanay yung kalagayan ko – naka-notaryo.

Ito na nga ang letter.

Hassle sa English.

Nagsulat ako ng mala-love letter sa haba.

One day akong nagprocess ng pagmo-move on.

Aray. At bumagsak ako sa removals.

Kahit nag-aral ako nang maigi, nahirapan pa rin ako sa exam ni Prof.

Nalaman ko pang kwatro ako sa isang subject.

Singko na ako sa isa.

Deliks akong mag-probi ulit nang magkasunod.

Labasan na ng grades.

Tapos na ang sem.

Nag-finals ako.

Napaka-haggard!

Nag-jam-pack ba naman ang acads, org, problema sa lablayp at sa bahay.

Sa acads, nahihirapan ako sa nagtuturo at nahirapan akong matuto.

Sa org, nagsabay-sabay ang mga events at ka-dyahe-han.

Sa lablayp, patuloy pa ring umaasa.

Sa bahay, nataong walang mapasukan ang tatay ko.

Nanay ko, nag-aalaga kay bunso.

May sakit si bunso.

Kaya ko ‘to sige.

Kagagaling ko lang sa probi last sem.

Nagsimula nanaman ang pasukan.

Reality: MARAMI AKONG BINAYARAN, NAGHIRAP AKO!

Iyak. Disapproved.

0 comments on “SKETCHPAD | Magbasa, mag-re-ad.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: