News Uncategorized

Rodriguez, Danila naghain ng reklamo kontra mga miyembro ng USC Walkout Rally

USC, nanindigan na lahat ay bahagi lamang ng kilos-protesta

by JOHN JOSHUA AZUCENA

Sinagot ng dalawang faculty mula sa Institute of Computer Science at Institute of Chemistry sa pamamagitan ng paghahain ng dalawang magkahiwalay na reklamo ang Walkout o ang naging kilos-protesta ng mga sangkaestudyantehan noong Nobyembre 13, 2015.

Ayon sa reklamong inihain ni Dr. Myrna Rodriguez ng Institute of Chemistryay nagkaroon ng pwersahang pagbubukas ng pintuan ng lecture hall at paglikha ng ingay na ikinaantala ng kanyang klase sa PSLH A. Ayon pa sa reklamo ng faculty ay may ilan pang estudyanteng pumasok sa kalagitnaan ng klase ngunit siya ay nanindigan sa pagpapalabas ng mga nasabing estudyante. Dagdag pa niya sa kanyang reklamo na kaakibat ng kalayaan ng  mga U.P. students na sumali sa mga adbokasiya ay ang pagrespeto sa karapatan ng mga kapwa U.P. students, faculty at iba pang U.P. constituents na nabalewala ng naging mga aksyon ng ilang nakiisa sa Walkout.

Ayon naman sa reklamong inihain ni Prof. Lailanie Danila ng Institute of Computer Science ay may naganap ding pag-iingay sa porma ng malakas na pagsigaw ng “Walkout! Walkout!”, pagkalampag at pwersahang pagbubukas ng pintuan ng lecture hall habang siya ay nasa kalagitnaan ng kanyang klase sa ICS Megahall. Nilalaman din ng reklamo ang pagpasok ng ilang estudyante sa kanyang klase habang namimigay ng leaflet at maging ang pagpwesto ng isang estudyante sa may pintuan upang magsalita gamit ang isang megaphone. Dagdag pa niya na ang nasabing mga aksyon ng mga estudyanteng nakiisa sa kilos-protesta ay nakakabastos at hindi isang akmang gawi kahit ano pa mang bagay ang kanilang ipinaglalaban.

Nanindigan naman si USC Councilor Ivan Aguilar na ang mga nasabing aksyon ng ilang estudyanteng sumama sa Walkout na nakasaad sa dalawang reklamo ay bahagi lamang ng kilos-protesta upang makakuha ng atensyon mula sa ibang estudyante. Ani Aguilar, “Hindi talaga dapat magkaroon ng liable from any of the students who have participated kase we have been firm na hindi kami nag-coerce, na di kami namilit na pumunta sa Walkout.”

Nagbigay naman ng mensahe si Aguilar sa dalawang faculty na naghain ng reklamo. Ayon sa kanya, “Malaki ang magagawa at ma-cocontribute nila kapag tinulungan nila ang mga estudyante in forwarding our concerns.” Dagdag pa niya, “Mas maganda ang synergy kung mag-papartake sila sa struggles ng ga estudyante at the same time i-papartake din natin ‘yung struggles ng mga UPLB faculty, reps at iba pang UPLB constituents.”

Sa ngayon ay umusad na ang reklamo sa Student Disciplinary Tribunal kung saan ay nagkaroon na ng dalawang paunang imbestigasyon noong Pebrero 11 at Pebrero 22. [P]

0 comments on “Rodriguez, Danila naghain ng reklamo kontra mga miyembro ng USC Walkout Rally

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: