Uncategorized

Protesta kontra sa komersalisasyon ng edukasyon, isinagawa kasabay ng pag-alala sa ikatlong anibersaryo ng kamatayan ni Kristel Tejada

ni JEY FILAN REYES

Isang protesta kontra sa komersalisasyon ng edukasyon ang isinagawa noong Marso 11, 2016 sa Carabao Park sa pangunguna ng Rise For Education – UPLB. Kasabay din nito ang pag-alala sa ikatlong anibersaryo ng kamatayan ni Kristel Tejada na isa sa mga naging biktima nitong komersalisasyon ng edukasyon.

Si Kristel Tejada, 16, ay isang dating mag-aaral ng BA Behavioral Sciences sa UP Manila na nagpakamatay matapos mapilitang maghain ng leave of absence bunga ng pagtanggi sa kanyang promisory note para sa tuition loan or installment payment.

Mula sa College of Arts and Sciences (CAS) building ay nagmartsa ang mga konseho ng mga mag-aaral at iba’t ibang grupo at organisasyon sa pamantasan, bitbit ang mga karatulang humihiling ng hustisya para kay Kristel Tejada at tumututol sa represyon ng mga estudyante. Bukod dito ay buhat din nila ang isang simbolikong kabaong na ang nakasulat ay “Free & Accessible Education” na nagrerepresenta sa pagkamatay ng edukasyon.

“Nakakalungkot din na matapos ng pagkamatay ni Kristel Tejada ay apat pang mga iskolar ng bayan ang namatay, pinatay ng sistema ng edukasyong mayroon tayo ngayon.” pahayag ni Charissa Caneso, Tagapangulo ng League of Filipino Students (LFS) – UPLB.

Bukod kay Kristel Tejada ay mayroong ding iba pang mga estudyante tulad nina Rosanna Sanfuego, Jhoemary Azaula, Nilna Habibun, at Jessiven Lagatic na nagpakamatay bunga ng kawalan ng kakayahang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Kaysa maibigay ang libre at de-kalidad na edukasyon ay lalo pang tumataas ang tuition at iba pang mga bayarin, at bukod ditto ay may mga represibong polisiya na nagkakait sa mga estudyante ng kanilang mga batayang karapatan tulad na lang ng karapatang mag-organisa, dagdag ni Caneso.

Nagtapos ang protesta sa pagtitirik ng mga kandila sa palibot ng simbolikong kabaong na sinundan ng pag-awit ng UP Naming Mahal. [P]

0 comments on “Protesta kontra sa komersalisasyon ng edukasyon, isinagawa kasabay ng pag-alala sa ikatlong anibersaryo ng kamatayan ni Kristel Tejada

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: