Uncategorized

#JunkSAIS: Mas Malala sa Singko

May mas lalala pa ba sa singko ko? Tanong ni isko.

Maagang nakaraan nitong Nobyembre ay sabi-sabi na ang pag-iimplementa ng bagong online registration na papalit sa ating pinakamamahal na SystemOne, ang Student Academic Information System o kilala bilang SAIS sa karamihan.

Ito ay isa sa mga pinakong plano ni President Pascual para sa naturang overtake upang tuluyang ikomersalisya ang edukasyon sa UP—sa pamamagitan ng eUP (Electronic UP) na may katagang “One university, one UP”. Ito lamang ay pinagkagastosan ng naglalakihang P745 milyon sa unang taong implementasyon lamang, para i-konekta at pamahalaan ang mga information systems at database sa buong UP system. Itong kontrobersiyal na proyekto ng UP at PLDT ay nagpadilim ng tingin sa administrasyon ng UPLB; dagliang winakasan ang ating sariling SystemOne.

Ang pagimplementa ng SAIS sa iba’t ibang campus tulad ng UP Manila at UP Cebu ay nagdulot ng maraming glitches na nakapag-delay ng pagsimula ng klase sa UPM. Dagdag pa rito, hindi rin ito nakapagbigay ng buong listahan ng mga dapat bayaran sa matrikula ng mga estudyante; at sa problemang ito, iisa lamang ang nagawang damage control kundi ang mano-mano na registration.

Sa dinami-dami ng paasa sa mundo, wala nang mas sasakit pa sa paasang pagtanggal ng mga serbisyo at pagbawas sa kalidad ng edukasyon. Isa ang eUP sa mga nagpa-preview ng literal, ng mga disensyo nito. Agarang nabighani ang mga estudyante ng UPLB sa mga features at makabagong iskema nito. Tuluyang nagbigay-linaw at ilaw sa estudyante na may kapakinabangan pala ang mga binabayarang matataas na tuition sa UP at buwis ng mga mamamayang Pilipino.

Ngunit nakaligtaan ng administrasyon ang butas sa mga kapitalistang panaginip, hindi raw handa ang UPLB sa eUP project—may mga problemang teknikal at isyung seguridad na hindi pa naaayos. Kaya biglaang tinalikdan ng administrasyon ang SAIS—isang pagtalikod sa mga pinangakong serbisyong kay dami rami, at pag-iwan ng isang pitakang walang laman. Tanong ni isko, “San na napunta ngayon ang pinag-ipunang P745 milyon niyo mula sa’min?”

SAIS (1).png

Sa pagtigil ng SystemOne, wala nang babalikan pa ang administrasyon kundi bumalik sa dating gawi: ang manual registration. Si Iskong nasa Facebook feed nito sa internet ay nabalitaang pipila na siya sa susunod na semestre at wala na ang SystemOne kung saan walang ka-hassle-hassle para sa kanya; sinasamantalahan niya ito gamit ang high-speed internet nila sa bahay. Burgis ka at burgis na dahilan, sabi nila. Pero matatawag bang burgis at laki sa layaw kung may substansya ang reklamo? Ipaglaban mo isko; nagbabayad tayo at hindi papayag na bawasan ang kalidad ng serbisyo dahil lang sa kasakimang mga pangarap ng administrasyon.

Noong 13 Nobyembre, nagtalaga ng malawakang walkout sa Unibersidad upang labanan ang komersiyalisasyon sa UP at pagkundena sa negosyong iskema ng eUP at SAIS. Iilang araw bago ang petsa ng naturang walkout, binalik ng administrasyon ang SystemOne, sa malamang na kadahilang hindi na matuloy ang walkout dahil nabigay na ng alternatibo; ngunit wala sa agenda ang tumahan para sa naghahagulgol na sistema.

Hindi maanig ni elitistang isko ang punto ng walkout, pero patuloy na nagmartsa palabas ang mga kaklase niya—at ipinaglaban at ipinagtanggol siya.

Anong mas malala pa sa singko? Syempre, ‘ung dinagdagan—SAIS. [P]

UPLB Perspective is the official student publication of the University of the Philippines Los Baños, established in 1973. It is the first campus publication established under Martial Law in the Philippines.

3 comments on “#JunkSAIS: Mas Malala sa Singko

  1. Reblogged this on MHAE MALDONADO and commented:
    SAISang iglap, nabago ang lahat

  2. Pingback: UPLB to ‘ease’ into second sem as constituents call for recovery break – UPLB Perspective

  3. Pingback: Glitch in the system: A history of SAIS and the six-year clamor for its junking – UPLB Perspective

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: