Nailantad ng krisis ang administrasyong Duterte bilang isang bulok na pamunuan; binububuhat ng lokal na pamunuan at iba’t ibang manggagawang nagsisilbi bilang pangunahing pwersa ng sambayanan laban sa COVID-19 ang pangkabuuang tugon sa krisis.

Upang mapagsilbihan ang dayuhang interes, naging malabnaw, mabagal at pabaya ang tugon ng administrasyon sa krisis pangkalusugan. Nakikita dito na ang bayanihan na umiiral sa antas ng pambansang pamunuan ay hindi nakaugat sa pagsisilbi sa masang Pilipino, kundi sa interes ng iilan.

Sa pagpapatupad ng panukalang batas na “Bayanihan Heal as One Act,” lalo lamang pinapakita ng administrasyong Duterte ang kagutuman nila sa kapangyarihan. Bago pa man ito ipinasa, walang malinaw na direktiba at konkretong solusyon ang inihahain ng pambansang pamunuan hinggil sa pagsugpo ng COVID-19. Ang pagbibigay ng karagdagang kapangyarihan sa isang pambansang pinuno na pasista at uhaw sa kapangyarihan ay bumubuwag sa maliit na kapayapaan ng mga komunidad na kumakaharap sa matinding takot.

Sa daloy ng polisiya at eksibisyon ng militar bilang pangunahing tugon ng administrasyon, pinapakita ni Duterte na hindi paghilom ng bayan o bayanihan ang kaniyang tangka, desperadong aksyon at pagpapabor sa karahasan ang prontera ng layunin.

Ang tunay na bayanihan sa panahon ng krisis ay maipapakita sa pamamagitan ng maka-masang pamamaraan ng pagtugon, pakiki-isa sa sambayanan, at pagbibigay diin sa kapakanan ng bayan. [P]

Dibuho ni Jandellle Cruz

0 comments on “‘Bayanihan’

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: