Pagpupugay sa lahat ng mga manggagawa!
Sa Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa, pinagpupugayan natin ang mga humubog sa ating lipunan; sila ang mga may taglay na lakas-paggawa na nagsisilbi bilang gulugod ng ating lipunan.
Salungat sa pagtalima ng sistematikong disenyo kung saan ang mga manggagawa ay banayad, napatnubayan ng kasaysayan ang laksa-laksang pagkilos ng mga manggagawa upang makamtam ang kanilang mga karapatan. Sa pamamagitan ng organisadong pagkilos at ibayong pagkakaisa, napagtagumpayan ng mga manggagawa ang kagyat na mga karapatang tinatamasa natin ngayon. Sa pagsasakamay ng kanilang tadhana, napakita ng mga manggagawa ang kanilang kakayahan upang pamunuan ang sarili, na ang mga mukha sa likod ng lakas-paggawa ay hindi matutumbasan ng kahit anong presyo o panggigipit ng mga negosyante.
Kamakailan lang ay sunod-sunod ang pag-atake ng estado sa hanay ng mga manggagawa. Sa pamamagitan ng mga gawa-gawang kaso at karahasan, sinusubukan ng negosyante na pabagsakin ang nagkakaisang lakas ng mga manggagawa. Ngunit napakita ng mga manggagawa, sa pakikiisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan, na kaya nitong pagtagumpayan ang mga balakid na ipinapataw ng mga kaaway sa uri.
Guhit ni Jermaine Valerio
0 comments on “Paggunita sa Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa”