News Southern Tagalog

Matapos ang harassment sa mga residente, tatlong bahay sinunog sa Hacienda Yulo

Tatlong bahay ng mga magbubukid ng Hacienda Yulo, Calamba ang sinunog dalawang araw lang matapos hinaras ng mga armadong guwardiya ang mga residente noong ika-22 ng Agosto.

Ayon sa Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK), isang organisasyong pesante ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), nagsimula ang gulo nang pinigil ng mga magbubukid ang mga di umano’y armadong tauhan ng pamilyang Yulo na pumasok sa kanilang komunidad. Kitang-kita sa bidyo na nakuhanan ng KASAMA-TK na tinutukan ng mga armalite ang mga babaeng magbubukid at mga matatanda ng komunidad.

“Armado ng mahahabang baril na armalite ang mga gwardya at may mga kasamang magbabakod sa lupain ng mga magsasaka. Subalit ito nilabanan at binigo ng mga magsasaka sa pangunguna ng mga kababaihan at mga nanay sapagkat kanilang pinag-iinitan ang mga kalalakihan na umaalay sa likuran ng kababaihan upang maiwan ang kaguluhan,” ayon sa KASAMA-TK.

Tinaguriang isang tangka sa “land-grabbing,” pinagtangkaan ng mga armadong gwardya, na sa pamumuno ng isang lalaki na pinangalangang “Kamatayan”, na palayasin ang mga residente ng Sitio Buntog, na nakasalalay ang kabuhayan sa pagtatanim ng niyog, bigas, kape at mais sa naturang lupain.

Pagkatapos mahuli ang insidente sa bidyo, patuloy pa rin ang pang-haharas. Sa ika-25 ng Agosto, dalawang araw ng naging viral and bidyo, natagpuan ang tatlong bahay sa Matang Tubig, Brgy. Canlubang, Calamba City ay nasunog.

Sa harapan ng karahasan, kinundena ng KASAMA-TK ang mga atake, at tinawag ang mga ito bilang isang paraan ng pagpapakita ng pagkaberdugo ng mga magnanakaw ng lupain.

“Pagpapakita lamang ito na ang mga batas sa lupa ay bulok at walang maaasahan ang mga magsasaka na mapapapunta sa kanila ang lupa na kanilang pinapagtuluan ng pawis at dugo ng kanilang mga ninuno sapagkat ang batas sa lupa ay tadtad ng butas at nakakiling sa mga mayayaman at nababayaran ang ahensya ng DAR at Korte para di masaklaw ng reporma sa lupa ang naturang lupain,” sabi ng KASAMA-TK.

Sa ngayon, may mga guwardiya na naka-antabay sa Sitio Buntog, na may laki ng halos 200 na ektarya at sinasabing binabalak na gawing subdivision

Mga magnanakaw ng lupa

Hindi lamang ngayon nagsimula ang mga insidente ng pang-haharas sa Hacienda Yulo, na may may laking 7,100 ektaryang lupa, at sa iba’t ibang lupain sa Canlubang.

Ayon sa KASAMA-TK, hindi sinakop ang mga nakatira sa Hacienda Yulo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) at ng Presidential Decree No. 27, s. 1972 ni dating Pangulo Ferdinand Marcos: dalawang utos na dapat maipamahagi sa mga magsasaka ang kanilang lupain.

Sa isang bidyo na pinalabas sa Facebook noong ika-13 ng Agosto, dumating ng alas-dose ng hapon ang grupo ng armadong gwardya, at nagpakilala sa kanyang callsign si Kamatayan.. Makikita sa bidyo na inutusan ni Kamatayan ang kanyang tauhan upang habulin ang lalakeng residente ng Sitio.

Ayon sa isang audio recording na ipinatugtog ni Kamatayan gamit ang kayang megaphone, ang kumpanyang San Cristobal Realty Development Corporation (SCRDC) ay may planong kasuhan ang mga residente ng paglabag sa quarantine protocols gamit ang RA 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Concerns of Public Health Concern at RA 9271 o Quarantine Act of 2004. Tinukoy rin sila bilang Illegal Settlers.  

Samantala, sa isang liham na ipinadala ng Sitio Matang Tubig kay Canlubang Brgy. Captain Larry Dimayuga, sila ay may Certificate of Occupancy mula sa may-ari ng lupa na si Deogenes Rodriguez.  

Liham na ipindala ng mga mamamayan ng Sitio Matang Tubig kay Kgg. Dimuyaga
(Litrato mula sa BERNARD MIÑOZA PIMAI Founder Channel/Youtube)

Ayon sa isang residente, hindi kailanman nagpakilala o nagpakita ng mukha si Kamatayan. Mayroon din daw ipinakilala sa kanilang abogado na tawag ay One Six, na siyang pumalit kay architect Dan Calvo sa pamamalakad ng lupa.

Ayon sa isang blog ni Joanna Lerrio, si Dan Calvo, isang architect para sa SCDRC, ang nanguna sa iligal na pamumutol ng mga puno ng niyog at land conversion sa Sitio Buntog, Brgy. Canlubang, simula pa noong 2010. Ang impormasyon na ito ay hinuha mula sa isang Fact Finding Mission na isinagawa ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) noon 2010.

Noong ika-21 ng Mayo, 2010, sumugod si Calvo, kasama ang humigit kumulang 50 na pribadong gwardya at pulis sa Sitio Buntog, at nagdulot ng 100 sugatang magsasaka at estudyanteng, dalawang residenteng ginulpi ng kapulisan, 11 magbubukid at menor de edad na iligal na inaresto’t kinulong, at isang matandang inatake sa puso, ayon sa Southern Tagalog Exposure.

Bago pa man lahat ng mga insidente, ang lupain ng Hacienda Yulo ay may kasaysayan na ng land-grabbing.

Nang makuha ng isang Amerikanong G. Milne, ang mga lupain sa hacienda Yulo mula sa pamilyang Madrigal, ang mga taniman ng bigas, buko, at kape ay ginawang mga taniman ng asukal, na kung kailan maraming tahanan ang sinira. Ito ay pagkatapos ng tumira ang mga magsasaka sa lupa, isang taon pagkatapos ng pagputok ng Bulkang Taal noong 1911.

Nakuha ni Jose Miguel Yulo ang lupa sa panahon ng Pangalawang Digmaang Pang-mundo, at siya’y naging “caretaker” pagkatapos niya tumulong sa mga Hapon bilang isang chief justice

Hanggang ngayon, pinaglalaban parin ng mga magsasaka ang kanilang mga tahanan. Karamihan ng mga lupa ay nasa ari na ngayon ng mga iba’t ibang kumpanya, tulad ng Ayala Land at Eton Properties.

Panawagan para sa pananagutan

Ang Amihan Women, isang organisasyon ng mga pesanteng kababaihang nagsusulong ng agraryong reporma, ay ipinahayag na dapat panagutin ang mga mandarahas na korporasyon, pati ang gobyernong nagpapairal nito. 

“Mahalaga ang papel ng mga magsasaka para masiguro ang pagkain natin. Pero ano ang kanilang ginagawa? Masyado na ang kanilang pandarahas at panlulupig na ginagawa sa mga magsasaka. Panahon na para singilin ang mga may kagustuhan nito lalong lalo na ang Pangulong Duterte na siyang nagbibigay ng pahintulot na mag-land use conversion [sa mga] lupain natin dito sa Pilipinas,” ayon kay Zenaida Soriano, Pambansang Pangulo ng Amihan. 

Dagdag ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), ikinukundena nila ang pag-agaw ng lupa ng Pamilyang Yulo, at ang lantarang paggamit ng dahas.

“Barging inside the property as if they have the authority to do so, the goons, including one who referred to himself as ‘Kamatayan’ continued to step down and spit on the farmers’ integrity. Apparently, this was the Yulo’s way of “LAND-GRABBING,” an indecent method of claiming the land of the farmers which they cherished and nurtured for years,” ayon sa Facebook post ng CEGP. 

Ayon naman sa pahayag ng isang residente at saksi sa mga pangyayari, hinanakit ang kanyang nararamdaman, ngunit pilit ipinapakalma ang sarili dahil hindi raw galit ang magtatagumpay sa isang laban. 

Dagdag niya, “sana po ay mamulat ang mga taong nanunungkulan at nakaupo upang kami po ay tulungan, suportahan upang kami po ay huwag nang dahasin.” Sa kasulukuyan, nananawagan ang KASAMA-TK kina Calamba Mayor Mark Justin Timmy Chipeco Jr. at Gobernador Ramil Hernandez para sa proteksyon ng mga residente ng Brgy. Canlubang. Sa Commission of Human Rights (CHR) upang maglunsad ng imbestigasyon laban sa mga mandarahas. At sa suporta ng mga mamamayang Pilipino para sa mga magsasaka. [P]

Litrato mula kay Dhey Mangubat Garcia/Facebook

8 comments on “Matapos ang harassment sa mga residente, tatlong bahay sinunog sa Hacienda Yulo

  1. Pingback: Estado ng agraryo sa Timog Katagalugan – UPLB Perspective

  2. Pingback: Masungi Georeserve:The case of defending the environment from exploitative firms – UPLB Perspective

  3. Pingback: The year fascists fall – UPLB Perspective

  4. Pingback: Two Hacienda Yulo homes wrecked by armed men; residents harassed yet again – UPLB Perspective

  5. Pingback: Farmers protest at Calamba City Hall on 34th Mendiola massacre commemoration day | Heraldo Filipino

  6. Pingback: Mga lupa’y kinukuha, dalamhati’y hinaing, dalawang bahay sinunog – UPLB Perspective

  7. Pingback: Pag-aaral ng mga estudyante sa Hacienda Yulo, apektado ng pandemya at panghaharas; mga kabataan, nananawagan para sa ligtas at de-kalidad na edukasyon – UPLB Perspective

  8. Pingback: 11 farmers’ homes demolished on Peasant Day; farmers call for land distribution, genuine agrarian reform – UPLB Perspective

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: