News

Mga pamilya sa Taliptip, nanganganib sa kawalan ng tahanan at trabaho dulot ng Aerotropolis

“Kapag natuloy ‘to, parang pinatay na rin nila kami,” sabi ng isang mangingisda sa isang bidyo matapos ma-demolish ang kanyang tirahan.

Sa ika-1 ng Setyembre, inaprubahan na ng House of Representatives sa pangatlo at huling pagbasa ang House Bill 7507, na kung saan mabibigyan ng prangkisa na mabubuhay sa pagitan ng 50 na taon ang San Miguel Aerocity Inc. upang magtayo ng paliparan sa Bulakan, Bulacan.

Ngunit sinabi ng mga opisyales na ito ay may positibong naidulot, dahil naikinundena ng ilang mga samahan ang proyektong sapilitang nagpaalis ng mga tao, at kanilang idiniin ang mga masamang epekto ng proyektong ito sa kalikasan.

Ang kabuhayan ng mga residente ay nakasalalay sa pangingisda, ang mga kasulukuyang aksyon ng San Miguel Corporation (SMC) tulad ng pagpapalayas ng mga pamilya, pagtakip ng mga ektaryang katubigan, at ang pagputol ng mga mangroves upang magbigay-daan sa isang airport city, ay tinuturing isang malaking kawalan sa mga komunidad ng Brgy. Taliptip, Bulacan.

Ayon sa SAVE Taliptip, isang online movement laban sa proyekto, tumagal ng ilang buwan ang pagkakaroon ng presensyang militar at pulisya sa barangay para pigilan ang mga mamamayang tumatanggi sa mga sinasabing gawain ng SMC. Pinagtangkaan ng mga pulisya at militar na umano’y takutin at i-harass ang mga residente upang sila ay mapilitang sumunod sa kanilang mga kautusan.

“Kitang-kita ang katusuan ng SMC sa maruming pamamaraan nitong hatiin ang  mga tao mapalayas lang ang mga ito! Minaksimisa nila ang panahon ng pandem[i]ya kung saan lahat ng mga mamamayan ay salat na salat sa kabuhayan!,” payo ng SAVE Taliptip.

Larawan ng ginibang bahay sa Sitio Kinse, Brgy. Taliptip, Bulakan, Bulacan (mula Save Taliptip/Facebook)

Bilang kompensasyon sa paggigiba ng mga tahanan, umano’y binayaran ang mga residente ng Brgy. Taliptip sa halagang ₱250,000 lamang. Sa harap ng pandemiya ay wala pa ring klarong programang relokasyon ang local government unit (LGU) ng Bulakan para sa mga apektadong residente.

Gayunpaman, ang proseso ng sinasabing pagpapalayas ng SMC sa mga residente ng Taliptip ay hindi pa rin masasabing makatarungan at makamasa, ayon sa Kalikasan national convenor na si Leon Dulce.

No legitimate public consultations were conducted; no environmental information that would constitute informed consent, such as risk assessments and detailed engineering plans, was made available to the public; there was no due diligence over the cutting of at least 653 mangroves within the project area; and residents have been constantly pressured to self-demolish without just compensation,” sabi ni Dulce.

Dagdag na rin ng League of Filipino Students (LFS) na isang banta ang proyektong Aerotropolis sa kapaligiran ng Manila Bay, at kalagayan ng mga nakatira roon.

Pahayag ng LFS National Spokesperson Carwyn Candila, “Patuloy na lumalala ang krisis dahil sa COVID-19, ngunit ang inuna pang iniratsada ng Kongreso ni Duterte ay ang mga kontrata para sa mga hindi naman kinakailangang imprastraktura na pabor lamang sa mga dambuhalang korporasyon.”

Hindi ito lamang ang SMC ay nabalitaan na nagsisimuno sa mga pryoketo na may negatibong implikasyon. Isang halimbawa ay ang nagganap noong ika-12 ng Hulyo. Dito, ang kumpanya’y giniba ang apat na barangay sa Sariaya,Quezon, at higit 3,000 na mangingisda at magsasaka’y nawalan ng tirahan.

‘Game-changer aerocity’

Kilala rin bilang New Manila International Airport (NMIA), ang SMC Aerotropolis  ay isang 2,400 ektaryang proyekto na may P735 bilyong badyet. Ang pagkakaroon ng apat na runway sa Aerotropolis ay isang napag-isipang estratehiya upang ayusin ang air traffic operations at congestion sa Ninoy Aquino International Airport. Magsisimula ang pagpapagawa ng paliparan ngayong Oktubre ayon kay Ramon Ang — president at chief operating officer ng SMC.

Ayon sa House Economic Affairs Committee Chair Representative Sharon Garin, ang pagpapatayo ng aerocity ay makakatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya, sapagkat mas lalong magiging globally competitive ang paliparan sa mga dayuhang negosyo sa pamamagitan ng tax incentives, at dagdag trabaho na rin ito sa mga Pilipino.

It is quite a big project for the government for this development and in my opinion, it would deliver substantial economic activity in the area and in Metro Manila,” pahayag ni Garin.

Dagdag ng former Philippine Airlines chief operating officer Avelino Zapanta na siguradong makakabuti ang NMIA sa ekonomiya ng Pilipinas.

Because if the country and the global community recovers from the pandemic at three to five years from now, and a new airport will be coming up by that time, and of course the confidence of the people will probably be restored by then because perhaps a very effective cure will be found then they will all jive,” sabi ni Zapanta.

Subalit ayon sa IBON Foundation, ang paggawa ng NMIA ay hindi dapat nagiging prioridad ng gobyerno ngayon, lalong-lalo na sa panahon ng pandemya.

In times of a public health crisis, investments should instead be prioritizing social infrastructure such as hospitals and socialized housing. It is thus a paradox to call such this P700-billion money sinkhole as an ‘economic recovery’ strategy,” sabi ng IBON.

Kinundena ng SAVE Taliptip ang tinuturing nila na pagpapahalaga sa kanilang proyekto sa pandemiya.

“Isang ‘Game Changer’… ganito ituring ng San Miguel Corporation ang kanilang proyekto… [Ngunit] sa taun-taong pag-aanunsyo ng gobyerno na lumalago ang ekonomya, kabaligtaran ang nararanasan ng mamamayan na naghihigpit ng sinturon dahil sa kawalan at kakulangan ng kita at sa hindi maabot na presyo ng mga pangunahing bilihin.”

‘Greenwashing Taliptip’

Ngunit sa pagpapagawa ng Aerotropolis, kinakailangang tabunan ang 2,000 ektaryang katubigan at tanggalin ang 22 uri ng mangrove trees para maitayo ang paliparan.

Ayon sa Siliman University Student Government (SUSG) Research Committee, hindi sustainable ang NMIA sa kapaligiran at pangkalahatang kalagayan ng mga Pilipinong nakatira sa Bulacan.

Magiging bunga ng matinding pagbaha at geohazard risks ang pagputol ng mga mangroves dahil sa pagtataas ng soil liquefaction, — o ang pagkawala ng katatagan ng isang lugar dahil sa pagdami ng tubig sa lupa —  ng proyektong Aerotropolis. Ayon sa datos, mahigit na 24.5 ektaryang mangroves ang mapuputol ng SMC.

The mangroves serve as a habitat for juvenile fishes and marine invertebrates where these fisherfolks obtain their catch. When these mangroves are cut down, the stored carbon in the soil would be released into the atmosphere and therefore contributing to climate change,” sabi ng SUSG.

Ayon sa SAVE Taliptip, hindi lamang ang mga resident ang maapektuhan, kundi ang mga ibang residente ng Bulacan namaaring mapahamak sa patuloy na pagtaas ng baha.

Coastal residents are not the only ones who will suffer due to the San Miguel’s reclamation project. Since Bulacan is recognized as a flood prone area, the massive dumping or back filling of rivers and major waterways in the construction of the Aerotropolis will likely result in worse flooding in Bulacan,” ayon kay SAVE Taliptip.

Sa halip na tiniyak ng SMC na magsasagawa sila ng mga mangrove planting programs, ikinukundena pa rin ito ng mga scientists at environmentalists na nagbigay ng komento sa proyekto bilang paraan ng pag-greenwash ng Aerotropolis.

Greenwashing is an act being done by corporations to hide the negative environmental impacts and market their unsustainable conservation plans. Cutting decade-old mangroves and planting saplings of mangroves is unsustainable… since these young mangroves are vulnerable to harsh conditions,” pahayag ng SUSG.

Sa kabila ng mga panawagan

Ang integridad ng proyektong Aerotropolis ay kinuwestiyon ng mga iba’t ibang samahan sa social media sa pamumuno ng Save Taliptip, tulad ng Agham, Saribuhay UP Diliman, National Network of Agarian Reform Advocates-Youth UPLB (NNARA-Youth) at Center for Environmental Concerns PH (CEC).

Ikinukundena ng mga nabanggit na organisasyon ang pag-agaw ng katubigan at lupa sa mga residente ng Taliptip, Bulacan. Inuungkat nila na nagiging mas mahirap ang paghahanap ng hanapbuhay ngayon bunga ng COVID-19, hindi maitatanggi na nagiging dagdag problema pa ang pag-aalis ng mga residente dulot ng proyektong Aerotropolis.

“Nakalulungkot malaman na ang pamamalakaya o pangingisda na humulma sa makulay na lipunan ng sinaunang mga Pilipino ay siya nang simbolo ng kahirapan at mababang estado ng pamumuhay,” ayon sa NNARA-Youth UPLB.

Ayon sa Saribuhay, ang patuloy na pagsisira sa kalikasan ay dapat maging dahilan upang ipagtanggi ang proyekto.

The irreversible damages and the displacement of residents is more than enough to oppose the project, yet Congress continues to side with the interests of land-grabbers and anti-environmental businesses like San Miguel Corporation. Especially under an unresolved public health crisis, the government should focus on securing the safety and livelihood of its people,” dagdag ng Saribuhay.

Hinihikayat naman ng CEC ang mga tao na mag-ingat sa mga kilos ng pamahalaan.

We encourage fellow Filipinos to remain vigilant of government programs, especially in these times when ensuring the health of every citizen and protecting the environment must be the government’s top priorities,” pahayag ng CEC.
Sa ngayon, mayroong online petition ang Save Taliptip bilang panawagan sa gobyerno at sa SMC na siyasatin ang mga saloobin at panawagan ng mga apektadong pamilya. [P]

Litrato mula sa Bulatlat.com

3 comments on “Mga pamilya sa Taliptip, nanganganib sa kawalan ng tahanan at trabaho dulot ng Aerotropolis

  1. Pingback: Defending Makidyapat’s land: Dumagats continue fight against Kaliwa Dam project – UPLB Perspective

  2. Pingback: Mga mangagawa, maralita, estudyante, nagprotesta sa Araw ni Bonifacio – UPLB Perspective

  3. Pingback: Gobyerno, hinimok na isalba ang isang sugar mill sa Batangas – Tanglaw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: