News Southern Tagalog

Sa buwan ng mga katutubo, nanawagan ang mga grupo na mabigyang hustisya ang mga inabuso

Ngayong Oktubre, sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Katutubo at Pesante, nanawagan ang iba’t ibang grupo na makiisa sa mga panawagan ng mga katutubo.

Nanawagan ang Sinag Agapay (SINAG) sa kanilang Facebook post na itigil na ang pagmamaslang sa mga katutubo at protektahan ang mga paaralan ng mga Lumad.

Our clamour for a legitimate environment, human rights, and indigenous rights protection is not yet over. We don’t just stand with them today, this is an opportunity to grow our numbers and continue [to] amplify the voice of our indigenous groups,” sabi ng SINAG.

Nabanggit naman ng Save Our Schools (SOS) Network ang apat na punto na dapat mabigyang pansin ngayong buwan.

The survival of the Lumads from the hands of violence. The continuous fighting for indigenous rights and human rights. The strength they showcase and establish over and over again as they stand on the frontline against [the] climate crisis and environmental destruction,” nilista ng SOS Network.

Pinaliwanag naman ng UPLB College of Economics and Management Student Council (CEM SC) na kahit binuo ang 1997 Indigenous Peoples’ Rights Act upang maprotektahan ang mga karapatan nila, patuloy parin ang pang-aabuso sa kanila.

These people have been the backbone of our country for the development of our customs and lands since the Spanish occupation. They have had their rights exploited, their livelihoods undermined, and more especially their concerns disregarded by both the society and the government,” batid ng CEM SC.

Dagdag din ng CEM SC na ang iba’t ibang polisiya, tulad ng Green Capitalism ay patuloy nagpapahirap sa kanila.

While if done correctly, this could be a worthwhile suggestion; it neglects the fact that the lands that would be used for “green capitalism” are the same lands that our peasants and indigenous people have the right to own in the first place,” banggit ng konsehal.

Patuloy na atake

Matapos ng ilang buwan sa lockdown, nakaranas pa rin ng mga panibagong atake ang mga katutubo sa iba’t ibang parte ng bansa.

Sa loob lang ng siyam na araw, mula ika-21 ng Agosto hanggang ika-29 ng Agosto, ang mga katutubo ay nakaranas ng lubhas na pagpapahihirap at pang-aabuso sa kamay ng mga tauhan ng estado.

Binatikos naman ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) ang pambobomba umano ng 7th Infantry Division (ID) ng Philippine Army.

Sa panahon ng pandemya, mas inuna ng estado ang pagbobomba at panunupil sa kaniyang mga mamamayan! Ang pagpasa ng Terror Law at ang pagpapasara ng regional media ng ABS-CBN ay nagbigay ng mas lakas ng loob sa pagpapalawak ng tiraniya nito,”, sinabi ng SCMP.

Sinabi naman ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) na sa kabila ng pagkawala ng karapatan ng edukasyon ng mga Lumad, ang isang rehimen tulad nito ay walang lugar sa hinaharap ng ating bayan. 

Not even a global crisis has dissuaded this regime from its continued militarization of schools and blatant disregard of the Lumad’s basic rights. Hundreds, if not thousands, of Lumad children have already been denied by paramilitary groups and state forces of their right to education,” sabi ng NUSP.

Isa sa mga komunidad na inatake ay ang mga pamayanan ng Aeta sa San Marcelino, Zambales na diumano’y binomba, pinahirapan, at pinakain ng dumi ng tao, isang eskuwelahan ng Lumad sa Bukidnon na winasak ng isang paramilitary, at siyam na Moro ang pinaslang Kabacan, Cotabato.

Noong ika-21 ng Agosto, ayon sa Sandugo, 659 na pamilya ang lumikas dahil sa paulit-ulit na pambobomba sa mga pamayanan ng Aeta sa Sitio Lumibao, San Marcelino, Zambales. Dagdag ng Sandugo na ang mga Aeta na sina Witi Ramos, Jepoy Ramos at Nalin Ramos ay sinalakay, pinahirapan at ikinulong ng mga sundalo ng ng 7th ID.

Pinilit umano si Nalin na kumain ng isa sa mga dumi ng mga sundalo. Matapos maospital, pinili nilang manatili sa evacuation center sa Brgy. Aglao, dahil sa sobrang takot.

Ayon sa Sandugo, inihayag ng mga ulat na ang pambobomba ng sa pamayanan ng mga Aeta ay inilaan upang maitaboy sila at magbigay ng daan para sa pagmimina at pagsisiyasat ng Dizon Copper-Silver Mines, Inc., isang proyekto na pinaniniwalaan ng mga Aeta na makakasira sa mga kapaligiran at sa kanilang lupang ninuno.

Wasak na gusali ng Mindanao Interfaith Services Foundation Inc. (MISFI) Academy.
Mula sa Facebook page ng Save Our Schools (SOS) Network 

Pagwasak ng paaralang Lumad

Noong ika-26 ng Agosto, ayon sa Save Our Schools (SOS) Network, winasak ng halos 50 armadong miyembro ng grupong paramilitar na Bagani ang mga gusali ng kampus ng Mindanao Interfaith Services Foundation Inc. (MISFI) Academy sa Sitio Laburon, Brgy. Ang Matupe, Bukidnon, San Fernando.

Nakita ng dalawang guro habang sila ay papunta sa paaralan ang paramilitary na sinisira ang mga gusali ng paaralan at pinupunit ang mga aklat. Kukunin na sana ng mga guro ang litrato ng insidente ngunit sila ay sapilitang pinaalis ng pinuno ng Bagan” na si Lito Gambay na binanggit ang pangalan ni Duterte upang manakot.

Sinabi ng SOS na ang Bagani ay nasa ilalim ng ng 89th Infantry Battalion (89IB) na nagtayo ng kampo sa Brgy. Kalagangan, San Fernando, malapit sa paaralan.

Ngunit, tinanggi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na ito lamang ay isang “fake news.”

Noong ika-16 ng Setyembre ang LGU at mga yunit ng AFP ng Surigao del Sur ay nagsagawa ng mga pagtitipon sa mga pamayanan ng Lumad upang i-turn-over ang mga paaralang binuo ng militar, ayon sa Agricultural and Livelihood Development, Inc. (ALCADEV), isang paaralang Lumad. 

Idinagdag na ALCADEV na lumalabag sa mga panuntunan ng quarantine. Kasama rin sa mga dumalo sa pagtitipon ay si Alexander T. Pimentel, gobernador ng Surigao del Sur na napatunayang positbo sa COVID-19 noong ika-23 ng Setyembre.

Itinayo ang mga paaralang Lumad upang bigyan kaalaman ang mga Lumad ukol sa pananamantala sa kanila at pananangkam ng kanilang lupang ninuno ng mga kumpanya ng pagmimina at ibang pang malalaking kumpanya, sabi ni Chad Booc, isang guro ng ALCADEV sa panayam sa Perspective Live noong ika-5 ng Setyembre.

“Ang role ng mga Lumad school at ng mga kabataan ay napaka-potent na tool para isulong ang ating mga progressive na changes. Tinuturuan doon ang mga kabataan na magsalita, kung paano magpahayag ng kanilang mga saloobin, kung paano mag-express ng resistance against sa mga powers na nag-e-exploit o nag-o-oppress sa kanila,” batid ni Booc.

Dagdag ni Booc na ipininapasara ang mga paaralang Lumad dahil nakitita ito ng estado at ng mga malalaking kumpanya bilang balakid sa kanilang mga layunin.

“Kaya yung mga kabataan sila din mismo yung nangunguna sa pangagamanya laban sa mga mining companies. Nasa forefront yung mga Lumad students, yung mga kabataan dahil nga naiintindihan nila kung bakit inaatake yung mga paaralan. Naiintindihan nila kung bakit kailangan depensahan ang at tumayo para sa lupang ninuno,” sabi ni Booc 

Sinabi rin ni Booc na sobrang hindi tiyak ang hinaharap ng mga paaralang Lumad at ng mga Lumad sa dahilan ng patuloy na pagbabantay, pananakot, at pag-atake sa kanila ng Militar. 

Mula 2016, 178 na paaralang Lumad ay isinara at mula Marso hanggang Mayo ngayong taon, nagkaroon ng 32 atake sa mga ito, ayon sa SOS Network.

Pagpaslang sa siyam na Moro

Noong ika-29 ng Agosto, siyam na lalaking Moro, walong magsasaka at isang drayber na nakasakay sa magkakahiwalay na motorsiklo ang pinahinto ng hindi bababa sa limang mga armado, at binaril at pinatay malapit sa isang campus ng University of Southern Mindanao.

Sinabi ng hepe ng pulis ng Kabacan na si Police Maj. Peter Pinalgan Jr., na ayon sa mga testigo, huminto at bumaba ang mga armado mula sa kanilang motorsiklo na ang bilang ay nasa lima at humiling ng idenfication card mula sa mga biktima at pagkatapos biglang binaril ang mga biktima nang malapitan.

Ang ikasiyam na biktima, na kinilalang si Nasher Guiaman, ay nakaligtas sa pinangyarihan ng krimen ngunit namatay kinabukasan sa ospital. Sinabi ni CHR Region 12 Regional Director Erlan Deluvio na ang mga kamag-anak ni Guiaman ay nagsabi sa mga investigator ng CHR- 12 bago siya namatay na mga pulis ang huminto at pumatay sa mga biktima. 

“This dying declaration of the victim who managed to speak to his relatives before he died alleging policemen were behind [the killings] will be very important to the case,” sabi ni Deluxevio.

Kinumpirma ni Deluxio na ang CHR-12 ay ididetalye ang pagpaslang bilang mga “extrajudicial killing” (EJK).

“Kapag sinabi nating EJK, kadalasan ay nagsasangkot ito ng law enforcement agents ngunit hindi ito nagtatapos doon, maaaring ito ay ang hindi pagkilos, kung wala silang ginawa sa pagsisiyasat o hindi ito epektibo,” dinagdag ni Deluxevio sa wikang Ingles.

Sa kasalukayan, ang PNP ay bumuo ng isang task force upang suriin ang naitalang pagapaslang. [P]

Litrato mula kay Kristine Paula Bautista

1 comment on “Sa buwan ng mga katutubo, nanawagan ang mga grupo na mabigyang hustisya ang mga inabuso

  1. Pingback: UPLB events, initiatives to look forward to this week – UPLB Perspective

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: