Pulitikal ang pagkamatay ni Baby River, at walang kahit anong masasabi ang mamamatay-tao na estado na makapagbabago nito.
Estado ang kumulong kay Reina Nasino kahit wala siyang ginawang ilegal o masama. Isa si Nasino mahigit tatlo na ikinulong noong Nobyembre 2019 sa gitna ng isang malawakang crackdown ng pasistang pulisya sa mga aktibista. Ayon sa korte, may “probable cause” ang mga kinulong na mayroon silang ilegal na armas at pasabog – ngunit diumano’y tinanim lang ito ng mga salot na pwersa ng estado.
Kahit wala ang nasabing lokasyon sa utos ng korte ay hinimasok ng mga SWAT ang opisina ng Bagong Alyansang Makabayan sa Tondo, kung nasaan si Nasino. Hindi kriminal o terorista si Nasino – isa lamang siyang lider-kabataan at organisador ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap sa Smokey Mountain, na ipinaglalaban ang karapatan ng mga mahihirap sa lupang panirikan at libreng, makataong pabahay. Buntis si Nasino noong hinuli siya ng pulis.
Estado ang humiwalay sa kanilang mag-ina. Ipinanganak si Baby River sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital noong ika-1 ng July ngayong taon, ngunit isang buwan palang ng kanilang pagsasama ay ihiniwalay na agad siya mula sa kanyang ina. Noong ika-13 ng Agosto, ihiniwalay ng mga awutoridad ang bagong silang na si Baby River mula sa kanyang ina. Nanatili si Nasino sa dormitoryo ng Manila City Jail. Naiwanang walang magpapasuso kay Baby River.
Habang patuloy na lumalala ang kalusugan ni Baby River, naging abala ang mga korte sa deliberasyon. Nagkaroon ng iilang mosyon na nakikiusap na kahit papaano ay magsama na muli ang mag-ina. Sa loob ng limang buwang pagdedebate, pinanganak na si Baby River habang nasa kustodiya pa rin si Nasino. Dumating ang desisyon ng Korte Suprema noong ika-9 ng Oktubre – kung kailan namatay na si Baby River. Higit pa roon, ang naging utos ng korte ay iwanan ang desisyon sa mababang hukom. – kung saan tinanggihan noong ika-20 ng Hulyo ng Manila Regional Trial Court Branch 20 ang pagsasama ng mag-ina dahil umano sa limitadong tauhan ng Manila City Jail.
At kahit pumanaw na si Baby River, nagawa pa rin ng estadong i-harass at pahirapan ang namatayan na ina. Nais lang ng pamilya na magluksa nang tahimik, ngunit kahit ‘yun ay hindi pa mabigay ng pulis. Maski posas ay hindi nila kayang tanggalin nang mayakap na ni Nasino ang kanyang anak sa huling pagkakataon. Halang ang bituka at maitim ang budhi ng pasistang rehimen na umabot pa sa ganitong sitwasyon.
Pneumonia ang ikinamatay ni Baby River, pero estado ang pumatay sa kanya. Pinatunayan ng trahedya ang kabagalan at burukrasya ng hukuman sa pag-aaksyon sa mga gawa-gawang kaso, at ipinakita rin ang kawalan nila ng konsiyensiya sa pag-iintindi ng sitwasyon ng mag-ina. Kahit humihina na ang kalagayan ni Baby River. Kahit walang nilabag na batas si Reina Nasino. Pinatunayan din nito na walang katiting na pakialam at respeto ang rehimen sa buhay at patay.
Nanggagalaiti na sa galit ang mga mamamayan. Sisingilin ng bayan ang lahat ng dugong inutang ni Duterte sa huling paghuhukom. Bibitayin ang bawat kawatan ng estado gamit ang laman-loob ng natitirang pulis at militar. Bubuwagin ng daluyong ng iba’t ibang sektor ang estado sa pagpapanawagan ng hustisya para kay Baby River.
Walang patawad para sa lahat ng buhay na sistematikong pinaslang ng rehimen. [P]
Dibuho ni Jermaine Valerio
0 comments on “Inutang na dugo”