News Southern Tagalog

Humanitarian team na may relief goods, hinarass ng mga militar sa Quezon

Tumungo noong ika-20 ng Nobyembre ang humanitarian team ng Karapatan Timog Katagalugan (TK) sa bayan ng General Luna sa lalawigan ng Quezon upang magpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng nakalipas na bagyo at para magsagawa ng fact-finding mission tungkol sa sunod-sunod na ulat ng pandarahas ng militar sa nasabing lugar.

Maging ang grupo ay hindi nakaligtas mula sa pananakot ng mga militar.

Hinarang umano ng 20 armadong militar sa Brgy. San Ignacio, General Luna ang kanilang sasakyan habang patungo sa bilihan ng bigas na ipapamigay sa mga nasalanta ng bagyo, noong ika-18 ng Nobyembre. Tinakot, inusisa, at kinuhanan di umano ng litrato ang apat na miyembro ng humanitarian team. Sila rin ay inakusahan na kasapi sa New People’s Army (NPA) na balak magbaba ng sugatang miyembro galing sa bundok.

Pinalibutan ng pinagsama-samang pwera ng armadong militar ang humanitarian team ng Karapatan TK (Mga litrato mula sa Karapatan Timog Katagalugan / Facebook)

Inulat ng Karapatan TK na isa sa mga pasahero ay sinaktan ng isang pulisya na nakasuot ng sibilyang damit.

“Sila ay sapilitang pinababa ng sasakyan at ang isa pa sa mga pasahero ay sinaktan ng isa sa mga naka-civilian na humarang at naginteroga. Matapos silang intimidahin, pinapanood pa sa kanila ang mga bidyong naglalaman ng panre-red tag sa iba’t ibang progresibong organisasyon,” paliwanag ng Karapatan TK.

Hindi ito ang unang pagkakataon na kung saan hinarass ang iilang miyembro ng Karapatan. 

Noong Setyembre, siyam na miyembro ng humanitarian team ng Karapatan Quezon ay iligal na inaresto ng Philippine National Police (PNP) San Narciso sa mga di umano’y paglapag ng mga protocol ng General Community Quarantine (GCQ). Kasama ang kanilang secretary-general na si Genelyn Dichoso, silang siyam ay pumunta noon sa Quezon upang imbestigahan ang isang lugar na kung saan sinasabi lumaban ang NPA at ang 85th Infantry Battalion – Philippine Army (IBPA).

Agresibong kasundaluhan

Sa panibagong ulat ng alyansa sa susunod na araw, nakipagkasundo ang humanitarian team sa mga militar sa isang checkpoint sa Brgy. San Ignacio Ibaba na ibahagi ang mga relief goods sa mga taga-Brgy. San Nicolas at makisama sa courtesy call kasama si Vice Mayor Artemio Mamburao. Ang mga usapan ay nagawa kasama si Staff Sgt. Jonathan Vinder ng 201st Brigade at ang 85th Infantry Battalion Philippine Army (IBPA) sa Macalelon Municipal Hall.

Dagdag ng alyansa na hindi nagustuhan ng humanitarian team ang mga kasunduan.

Bagaman batid ng team na hindi maaaring mapagkatiwalaan ang kasundaluhan, sumang-ayon ito alinsunod sa nagustuhan at binitawang salita ng lokal na pamahalaan,” bangit ng Karapatan TK.

Pagkatapos, nag-convoy ang humanitarian team kasama ang mga elemento ng 59th IBPA, 85th IBPA at 201st Brigade.

Sa kabila ng napagkasunduan na sasamahan ng militar ang grupo sa paghahatid ng donasyon, matataas na kalibre ‘di umano ng mga baril ang dala-dala ng kasundaluhan. Kung kaya’t matapos ang pamamahagi ng ayuda, napagpasyahan ng grupo ng Karapatan TK na bumalik na lang sa munisipyo dulot ng pananakot at intimidasyon na kanilang naransan mula sa militar.

Ayon kay Johndy Estayan, negotiation head ng Karapatan TK humanitarian team, “Napaka-agresibo ng mga kasundaluhan at tila hindi na nakikinig sa ating paliwanag, samantalang ang pinanghahawakan naman ng ating team ay ang kasunduan sa lokal na pamahalaan na ang layunin lang natin ay mabigyan ng ayuda ang mga sibilyan na nadamay sa armadong tunggalian.”

Pinaliwanag din ni Estayan na hindi tama na takutin sila, dahil sila mismo ay walang panglaban.

“Hindi makatarungan na kami ay kasahan ng baril sa isang checkpoint na wala naman kaming kalaban-laban sa kanila,” dagdag pa ni Estayan.

Patuloy na atake sa Quezon

Kamakailan ay nagkaroon ng magkakasunod na engkwentro at pagpatay sa ilang bayan sa Quezon na nagdulot ng takot sa mga residente sa nasabing lugar, bukod sa iba’t ibang karanasan ng red-tagging at pananakot sa mga progresibong indibidwal.

Isa rito ang engkwentro noong ika-12 ng Nobyembre sa pagitan ng 201st IBPA at ng NPA sa bayan ng Macalelon sa Quezon na nagdulot ng labis na takot sa mga residente at nagtulak sa kanilang pansamantalang lumikas mula sa kanilang mga tahanan.

Makalipas ang dalawang araw ay nabalita naman ang pamamaril na nagdulot ng pagkamatay ng magsasaka at lider ng  lokal na sangay ng Coco Levy Fund Ibalik sa Amin (CLAIM) na si Armando Buisan.

Siya ay pinagbabaril ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin habang pauwi ito mula sa ulingan. Sinasabing maaaring may kaugnayan ang pagpatay kay Buisan sa kanyang pagiging aktibo sa laban ng mga magsasaka ng kopra. Di umano’y ilang beses na itong nakatanggap ng death threat at ilang beses na rin itong binisita ng militar sa kanyang tahanan.

Rest assured that we will remain unfazed and vigilant by threats because civilian authority is, at all times, supreme over the military. With this, we vow to investigate and record all forms of human rights violations and make sure that it will be forwarded accordingly to proper authorities,” isinaad ni Kyle Salgado na tagapagsalita ng Karapatan TK bilang tugon sa maaaring panggugulo ng militar sa kanilang isasagawang relief operations at imbestigasyon

Noong ika-15 ng Nobyembre ay tatlo pang engkwentro ang naganap sa bayan ng General Luna na nagresulta sa isang sugatang residente at paglikas ng mga residente sa pinangyarihan ng engkwentro. [P]

Litrato mula sa Karapatan-TK / Facebook

4 comments on “Humanitarian team na may relief goods, hinarass ng mga militar sa Quezon

  1. Pingback: Five ‘NPA’ slain by AFP-PNP actually mango farm workers – HR group – UPLB Perspective

  2. Pingback: HR group call to drop Karapatan Quezon sec-gen’s trumped-up homicide case – UPLB Perspective

  3. Pingback: Higit 26,000 na indibidwal sa Timog Quezon, nailalagay sa alanganin dahil sa patuloy na aerial bombing – UPLB Perspective

  4. Pingback: Progressives reflect on Terror Law 1 year since passage – UPLB Perspective

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: