News Southern Tagalog

Mga peryodista, kaanak, inaalala ang Ampatuan Massacre

Inalala ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa pamamagitan ng isang Facebook Live ang kalunos-lunos na pagpatay sa 58 na katao sa Maguindanao kung saan 32 dito ay mula sa media.

Nagsimula ang paggunita sa naturang massacre sa pagbabalik-tanaw labing-isang taon na ang nakalilipas.

Noong umaga ng ika-23 ng Nobyembre taong 2009, 53 katao ang naka-convoy na pinamumunuan ng asawa ni Toto Mangudadatu patungo sa Commission on Elections (COMELEC) upang ihain ang sertipiko ng kandidatura ni Toto Mangudadatu para sa pagtakbo nito bilang gobernador laban sa dating ka-alyansang pamilya na mga Ampatuan.

Walang isa sa kanila ang nakarating sa COMELEC nang tambangan at pagbabarilin ng tinatayang 100 armadong lalaki na pinamumunuan ni Datu Andal Ampatuan, Jr. 

Ito ang tinaguriang pinakamalaking karahasan bago maghalalan sa bansa at pinakanakamamatay na pag-atake laban sa media sa buong mundo.  

11 taon na ang nakalilipas ngunit noong Disyembre ng nakaraang taon lamang nahatulan ng korte ang 28 sangkot sa krimen kasama ang magkakapatid na Zaldy, Andal, at Anwar Ampatuan. Samantalang ang kapatid nilang si Sajid ay naabswelto.

80 sa mga suspek ang nananatiling wala sa kamay ng batas. Ngunit sa araw ng komemorasyon mismo, walong suspek ang kinasuhan, habang 40 pa ay binasurahan ang kanilang mga kaso, ayon kay Atty. Nena Santos sa naganap na forum ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ).

Mga naulila ng Ampatuan Massacre

Para sa mga naiwang pamilya ng mga nasawi sa pangyayaring ito, pinaghalo-halong sakit, galit, pagod at hirap ang dinanas nila sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay. Ang mga biktima ay hindi lang mga mamamahayag kung hindi ay tumatayo rin bilang mga haligi at ilaw ng tahanan.

Sa nasabing Facebook Live ay inimbitahan ang tatlong panauhin na kumakatawan sa mga pamilyang naulila ng trahedyang ito.

Tatlong salaysay mula sa isang ina, anak, at abogado. Una ay si Grace Morales kung saan ang kanyang asawa at kapatid ay kabilang sa mga nasawi at si Reyna Momay Castillo, ang anak ng ika-58 biktima ng naturang massacre. Panghuli ang mismong abogadong humahawak ng kaso para sa mga biktima na si Atty. Nena Ramos.

Malayang naihayag ni Morales ang kalagayan ng kanyang pamilya matapos ang sinapit ng kanilang mga kaanak sa kamay ng mga Ampatuan. 

“Katulad ko na isang nanay napakalaking bagay po talaga yung [scholarship] kasi ako mismo kahit anong gawin kong paraan mahihirapan po talaga akong ipagpatuloy yung pag-aaral ng tatlo kong anak. Kaya po ginagawa naming paraan sa family na kahit papano makapaghanap ng trabaho pero kahit pa man po dun kinulang pa rin.” pahayag ni Morales

Bilang mag-isang nagtataguyod sa mga anak ay malaking bagay ang mga psychosocial activities na isinasagawa ng media organizations tulad ng Sarangola Summer Camp na ginaganap taon-taon upang tulungan ang mga anak ng mga pinaslang na mamamahayag na maproseso ang pagkamatay ng kanilang mga magulang at para mabigyang suporta ang isa’t isa.

It was very hard. The oldest one was hiding in the corner crying and I’m glad that after a series of psycho-social activities, she’s been able to come out and talk with the others. It’s a really great thing,” inihayag ni Morales na tinutukoy ang panganay nitong anak na sumali sa nasabing summer camp

Dagdag tulong din ang pangangalap ng pondo at scholarships mula sa NUJP, International Federation of Journalists (IFJ), Bantay Bata at Mabuting Pilipino para sa mga naulila ng mga nasawi ngunit ang ilan sa mga ito ay hindi na naipagpatuloy.

It was last year when our partners informed us they could no longer fund the program. We had to tell them [the children]. It was very painful. It was painful for us but I can imagine how much more painful it was for them,” pahayag ni NUJP chairman Nonoy Espina noong 2019 nang ilan sa mga anak ng mga biktima ay mapipilitang huminto dahil hindi na matustusan ang kanilang pag-aaral.

Bukod sa hirap ng pagkawala ng kanilang mahal sa buhay, dumagdag pa rito ang takot sa maaaring kahinatnan ng kaso.

“Palipat lipat yung ibang families ng tirahan dahil andun yung threat hindi lang para sa’min pero para sa lawyers namin kaya hindi naging madali sa amin” pahayag ni Morales sa posibilidad na balikan sila ng mga kalaban kung kaya’t ilang taon silang palipat-lipat ng tahanan.

Ilang taon bago sila nasanay sa sitwasyon at itinuturing nilang malaking tulong ang suporta mula sa mga organisasyon, hindi lang sa pinansyal ngunit maging sa emosyonal na aspeto.

Sa pananaw ng isang anak na nawalan ng ama, para kay Castillo hindi ito titigil hangga’t hindi kinikilala ng korte ang katotohanan.

I respected the Regional Trial Court’s decision but I do not stand behind the fact that it left out justice for my father,” paglalahad ni Castillo ang kanyang pagkadismaya sa naging hatol ng korte.

Para naman kay Ramos, may transcendental issue na kailangan maresolba ng korte dahil sa dami ng suspek ay kakaunti lang ang halaga na matatanggap ng bawat pamilya. Walang pinagkaiba sa civil damages pag madami ang suspek kumpara sa iisa lang ang suspek kahit madami ang biktima.

Considering that napakarami ng akusado 300,00 lang ang mareceive ng isang family. I-divide mo kaya yun sa mga akusado so magkano na lang, pittance para sa kanila. So okay lang pala mag massacre ng madami kayo kasi yung civil damages niyo e kapiranggot lang.” dagdag ni Ramos

Ang susunod nilang hakbang ay ang pag-akyat nito sa mataas na korte para mabigyan ng pananaw ang paghingi ng mga pamilya ng mas malaking danyos at mga karagdagang apela.

Patuloy na paniningil ng hustisya para sa 58 

Sa loob ng sampung taon, walang pamilya ang nag-atras ng kaso sa korte.

Hindi naging madali ang mga pangyayari lalo na at nakasubaybay ang media sa pag-usad ng kaso.

Nang ibaba ng korte ang hatol, hindi maitatangging naging masaya ang mga kaanak ngunit ito ay nahaluan ng pagkadismaya nang 57 lang ang itinala ng korte na pinatay kung saan hindi isinama ang isang biktima na si Reynaldo Momay. Ayon sa korte ay walang sapat na ebidensya upang patunayan na kabilang ito sa mga nasawi sa kabila ng sampung testigo na iniharap ng kampo ng prosekusyon. 

None of the witnesses recovered the cadaver of Momay in the massacre site. His live-in partner, Marivic Bilbao, and relatives did not find his body in any of the funeral parlors in Koronadal, Isulan, and Tacurong City. None of the documentary evidence showed the death certificate of the victim,” pahayag ni Judge Jocelyn Reyes, ang tumatayong hukom sa paglilitis ng Maguindanao massacre.

Hindi pa itinuturing ng mga kaanak na naresolba ang kaso habang ang pagkamatay ni Momay ay hindi naisasama, may mga suspek pang hindi nahuhuli, at naghain ng apela ang mga nasasakdal upang makapagpiyansa.

Ngayong ikalabing-isang taon ng pag-alala sa pangyayaring bumago ng buhay ng mga naulila, ang mga pamilya ay patuloy na lumalaban para sa 58 na kaso at nanawagan ng hustisya dahil sa kabila ng hatol ng korte ay hindi pa buo ang hustisyang kanilang natatanggap.

 “It is 58. I have been very vocal about this fact that my father was there,” sabi ni Castillo bilang tugon sa naging pasya ng korte na hindi kabilang sa ang kanyang ama sa mga namatay sa insidenteng iyon. 

Kanyang ipagpatuloy ang laban dahil iyon ang pinagkukunan niya ng pag-asa. Hindi nabigyan ng hustisya ang kanyang ama na isang photojournalist. Pinatay ito dahil sa propesyon at sa pagbantay sa konstitusyunal na karapatan sa kalayaang maghayag at umaasa siya na ang mismong konstitusyon na ito ang magbigay ng hustisya sa kanyang ama.

Hinding-hindi umano siya makakalimot sa kinahinatnan ng ama at ang pagkalimot para sa mga naulilang katulad niya ay kailanman hindi kabilang sa pagpipilian.

Continue the fight for 58 and we will continue with whatever role that we have for each of us in order to attain justice. Lahat tayo ay kasama..buo para yung buong hustisya ay makamtan. Hindi ito work ng isa, dalawa, kundi work nating  lahat,” pahayag ni Ramos ukol sa second wave ng kaso at para sa mga pagsubok na maaari nilang harapin patungo sa buong hustisya na nais nilang makamtan. [P]

2 comments on “Mga peryodista, kaanak, inaalala ang Ampatuan Massacre

  1. Pingback: The year fascists fall – UPLB Perspective

  2. Pingback: Dekada ng paglaban sa mapagpalayang pamamahayag – UPLB Perspective

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: