News Southern Tagalog

2 magsasaka sa Quezon, pinagbawal ng militar makipagkita sa pamilya

Isang linggo matapos maaresto noong ika-26 ng Disyembre noong nakaraang taon ay binansagang incommunicado ng Southern Luzon Command (SOLCOM) ang Atimonan 2 nang una’y kinilala bilang mga lider pesante na sina Renante de Leon (nang una’y kinilala bilang Roel Custodio alyas “Baste”) at Ruben Istokado na sinasabing may alyas ng “Oyo/Miles”.

Ang dalawang miyembro ng Coco Levy Fund Ibalik sa Amin (CLAIM) Quezon, ay inaakusahan bilang mga lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) kung saan si de Leon ay kinasuhan ng kidnapping at illegal possession of firearms, samantalang si Istokado ay kinakaharap ang kasong double murder at multiple murder.

Pinaliwanag ng CLAIM Quezon na sila’y tumutulong sa mga magniniyog at magkokopra sa lalawigan ng Quezon, at sinabi’y hindi na raw bago ang pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso sa kanila. Dagdag din nila na hindi sila mga kasapi ng NPA.

“Kasama sila sa kampanyang magniniyog sa buong probinsya upang pataasin ang presyo ng buong niyog, at ng mga magkokopra upang itaas ang presyo ng kopra, ibaba ang presyo ng resikada at tapusin ang iba pang porma ng pandaraya sa mga magkokopra,” paliwanag ng CLAIM Quezon.

Ayon sa Karapatan Timog Katagalugan (TK), sila ay dinakip ng pinagsamang lakas ng Regional Intelligence Division ng PNP Provincial Regional Office, Quezon Police Provincial Office, Regional Mobile Force Battalion kasama ang Armed Forces of the Philippines teams 201st IB, 2nd Military Intelligence Battalion, at 4th Intelligence and Security Unit sa Brgy. Zone 3 Poblacion, Atimonan sa Quezon. 

Inabot ng ilang araw bago isiniwalat ng kampo ng prosekusyon ang pinagdalhan ng SOLCOM sa dalawang pinaghihinalaang sangkot sa NPA. Sila umano ay nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Lucena, Quezon.

Ang ama at ang kanyang anak

Base sa isang liham na ipinakita ng Karapatan-TK ngayon lamang, hindi pala nahuli si Custodio, kundi iba pang tao. Ayon sa liham na isinulat ni Reynaldo de Leon, ang sinasabing ama ni Renante, nakilala niya ang anak niya bilang isa sa mga nahuli nang makita ang kanyang mga litrato sa balita. 

“Ayon sa balita, ang inaresto ay sina Ruben Istokado at Roel Custudio na pinaghihinalaang mga miyembro ng New People’s Army. Nakumpirma kong nahuli ang anak ko batay sa litrato sa balita,” ani de Leon.

Pinaliwanag naman ni de Leon na noong ika-29 ng DIsyembre pa siya naghahanap sa kanyang anak, at siya’y nagtanong sa Camp Vicente Lim at Camp Eldridge (na ngayo’y kilala bilang Camp Macario Sakay), ngunit sa parehong kampo, tinanggi na natagpuan ang kanyang anak. Nang mabalitaan na maaring nasa Quezon ang dalawa, dumiretso si de Leon kasama ang mga kamag-anak ni Istokado sa Regional Trial Court (RTC) Lucena.

Matapos makuha ang inquest documents at mabigay ang mga ito sa mga pulis na nasa SOLCOM, pinaalis sila nang nasabi na isang tauhan sa pasilidad ay nagpositibo sa COVID-19.

“Ayon sa officer na nasa front desk, inaayos pa ang clearance ng aming pagdalaw. Hanggang kami ay lumabas para mananghalian. Pagbalik namin pagkatapos mananghalian, sinabi ng bantay sa gate ng Camp General Nakar na naka-lockdown ang kampo dahil nag-positibo sa COVID-19 ang isang sundalo,” ani de Leon.

Pang-aabuso at pagkakamali

Ang pagbansag sa kanilang incommunicado o ang pagbabawal sa kanilang kausapin ang kanilang kamag-anak at abogado ay isang paglabag sa kanilang karapatang pantao dahil ayon sa batas, lahat ng akusado ay may karapatan sa abogado mapatunayan man silang miyembro ng NPA o hindi.

Ayon kay Salgado ay hindi makatarungan itong pagtrato ng AFP sa dalawa at lantaran ang paglabag ng militar sa batas kung saan laganap nilang inaabuso ang kanilang kapangyarihan. 

“What the military is doing to both [de Leon] and Istokado and their families sums up this institution’s flagrant disregard of the law and even using COVID-19 as a lame excuse to further cause distress to the family members, pahayag ni Kyle Salgado, ang Spokesperson at tumatayong Paralegal ng Karapatan-TK. 

Matapos ng hindi makatanggap ng kahit anong tawag mula sa mga opisyal na umaresto kina de Leon at Istokado, humingi ang mga kapamilya ng tulong sa Karapatan-TK, kinakatakutan nila na maaring sumasailalim sa pisikal at mental na pang-aabuso ang dalawa.

Nasabi din ng alyansa na ang insidente ay maaring maihalintulad sa pag-aresto ng Calaca 6 noong Mayo ng 2020, na kung saan pinagbawalan din ang mga kamag-anak na ibisita ang anim sa kanila.

“It is already detestable that the families were not immediately notified about their arrest. Now SOLCOM is using the same strategy they did to Calaca 6 which refused the families to see their relatives. We are seeing yet again this pattern of non-observance to existing laws and inhumane treatment towards the accused,” banggit ni Salgado.

Ang Calaca 6 ay tumutukoy sa pag-aresto ng anim na magsasakang lider ng Samahan ng mga Magsasaka sa Coral Ni Lopez (SAMACOLO) matapos sila’y inaresto sa Brgy. Coral Ni Lopez sa Calaca, Batangas at sinemplahan ng kasong iligal na pagmamay-ari ng armas. Bago mapalaya ang apat sa anim noong Hulyo nang binitawan ng Balayan RTC ang mga kaso, sila’y dinala sa Camp General Vicente Lim, na kung saan matatagpuan sa isang hiwalay na insidente noong Agosto ang mga katawan ng mga umanong miyembro ng NPA.

Bilang pagtatapos, pinapanawagan ni Salgado na ikundena ang AFP sa sinasabing pang-abuso ng kapangyarihan at upang matulong ang mga pamilyang [de Leon] at Istokado.

We enjoin the Filipino people to help both [de Leon] and Istokado families in their bid to see Roel and Ruben, and condemn the AFP for yet another glaring display of abuse of power,” ani Salgado.

Umaapila naman ang amang de Leon sa officer-in-charge (OIC) ng Komisyon ng Karapatang Pantao (CHR) Region IV-A na si Atty. Rexford Guevarra na matulungan siya makita muli ang kanyang anak, at masigurado na si Renante ay ligtas.

“Siya ay pinagkamalang Ruel Custodio gayong aking pinapatunayan na siya si Renante de Leon na aking anak. Gayundin, matiyak na nasa ligtas at mabuting kalagayan alinsunod sa paggarantiya sa mga karapatan ng nasasakdal batay sa Konstitusyon,” sabi ni de Leon. [P]

Litrato mula sa Karapatan-TK / Facebook

5 comments on “2 magsasaka sa Quezon, pinagbawal ng militar makipagkita sa pamilya

  1. Pingback: HR group call to drop Karapatan Quezon sec-gen’s trumped-up homicide case – UPLB Perspective

  2. Pingback: Mga pamiliya ng mga nadakip na NPA, nanawagang pabayaan ng mga militar sila na makiramay sa gitna ng patuloy na militarisasyon sa Quezon – UPLB Perspective

  3. Pingback: Higit 26,000 na indibidwal sa Timog Quezon, nailalagay sa alanganin dahil sa patuloy na aerial bombing – UPLB Perspective

  4. Pingback: Progressive organization Tanggol Quezon harassed by military, linked to CPP-NPA despite being lawfully-registered – UPLB Perspective

  5. Pingback: LIST: Human rights watch (October 24-30, 2021) – UPLB Perspective

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: