Lumipas na ang Pasko at Bagong Taon, halos tatlong linggo na binibinbin ng mga awtoridad ang labi ni Vilma Salabao, isa sa Baras Five, sa kanyang mga kaanak. Ngunit naibigay na ang kanyang labi sa kanyang pamilya ngayong ika-9 ng Enero, matapos makipagkasunduan sa Komisyon ng Karapatang Pantao (CHR) ang mga kamag-anak, patuloy parin ang mga panawagan na mabigyan silang lima ng hustisya.
Matatandaan na si Salabao at apat pang manggagawa sa isang manggahan, yung isa sa kanila’y sinabing minor de edad, matapos makaengkwentro nila ang mga miyembro ng 2nd Infantry Division at Philippine National Police (PNP) nang sila’y pagpapaslangin ng mga awtoridad noong ika-17 ng Disyembre, 2020 sa Brgy. San Juan, Baras, Rizal. Nabalitaan din na ang mga katawan ng ibang miyembro ng Baras 5 ay tinortyur bago pa man pinatay.
“Lumipas na ang Pasko na hindi nakita ang namatay na magulang, muli-muling binigo ng PNP Baras at mga kasapakat nitong militar ang namatayan ngayong parating na Bagong Taon. Ang AFP-PNP ay mga halimaw na walang puso at malinaw na ‘hostage taker‘ ng mga pinatay,” ani ng Karapatan Timog Katagalugan (TK), habang pinaliwanag na ang paghohostage sa labi ay nagpapahirap sa mga kamaganak.
Bago pa man matapos ang taong 2020, nag-iwan naman ito ng mapait na karanasan at hindi makatarungang hustisya sa pamilya ng limang napaslang na miyembro mula sa Baras, Rizal matapos makitaan ng ilang sugat na naghuhudyat na tinorture ang mga biktima bago pinaslang. Hindi rin pinahintulutan ng awtoridad ang labi ng isa sa mga biktima bagkus bininbin pa ng mga awtoridad ang bangkay.
Ayon sa pahayag ng Karapatan-TK, alyansa ng karapatang pantao, hindi daw pinayagan nina PNP Baras Police Corporal/Investigator Tomagan at Jesuitas ang pagpapalaya sa labi ni Salabao dahil sa di umano’y peke ang ipinrosesong Special Power of Attorney (SPA) ng anak ng biktima sapagkat ito’y mga lehitimong dokumento. Dagdag pa rito, pinagdudahan din ng mga awtoridad ang abogado mula sa alyansa na nais lamang bigyang pahintulot magluksa ang pamilya at mabigyang disenteng libing si Salabao.
Kamakailan, nagsagawa ang Karapatan-TK ng social media rally upang ipanawagan ang pagkundena sa pamamaslang sa limang nasawi at ang pagpapalaya sa labi ni Salabao. Aniya din ng alyansa na ang naganap na insidente ay isang malaking paglabag sa International humanitarian Law.
Ayon sa tagapagsalita ng alyansa na si Kyle Salgado, hindi rin ito ang unang pagkakataon na hindi pinahintulutan ng mga awtoridad na ibigay ang labi ng mga biktima na nasawi dahil sa malagim na engkwentro sa pagitan ng inaakusahang NPA at ng AFP-PNP.
“Like what was experienced by the families of Ermin Bellen and his 2 companions December last year, by the families of the Kalayaan 4 and the Brookes’ Point 5 among others this year, the AFP and the PNP have continued to complicate the process the families go through to claim the bodies of their kin – and is evidently forcing the families to cooperate solely with them for their self-serving fascist agenda,” banggit ni Salgado.
Ang Kalayaan 4 ay tumutukoy sa apat na kawani ng New People’s Army (NPA), na natagpuang walang armas, na pinatay matapos ang isang engkwentro sa Sitio Balatkahoy, Brgy. San Antonio noong ika-2 ng Agosto ng 2020, habang ang Brooke’s Point 5 ay tumutukoy naman sa limang miyembro ng NPA na napatay din sa isang umanong labanan sa Brooke’s Point, Puerto Princesa, Palawan noong Setyembre. [P]
Litrato mula sa Karapatan-TK / Facebook
Pingback: Pagkuha sa mga labi ng anim na pinaslang noong Bloody Sunday, pilit hinaharang ng pulisya at militar. – UPLB Perspective
Pingback: 3 dead in Sta. Rosa ‘summary execution’; UPLB alum KI Cometa still missing a week after the incident – UPLB Perspective
Pingback: Humanitarian team para sa mga bilanggo sa Romblon, hinaras ng kapulisan; mga kamag-anak, pinagbawalang bumisita – UPLB Perspective