News

Iilang tirahan sa Sitio Bangad, tuluyang winasak

Sa kabila ng 20 taong pagpapayaman sa lupain, tuluyang giniba ng humigit-kumulang sa 200 pulis at 100 katao ang kabahayan ng mahigit 60 pamilyang nakatira sa 40-ektaryang lupain sa Sitio Bangad, Brgy. General Lim, Orion, Bataan noong Miyerkules, ika-14 ng Enero.

Naunang iniulat ang pananatili ng mga pulis na naka-full battle gear at ang mga tauhan ng demolisyon bandang 11 ng gabi isang araw bago ang paggiba, na nagpapakita ng tahasang pagbabanta ng mga unipormadong grupo sa destruksyon na magaganap kinabukasan.

Ayon sa mga saksi, dati nang usapin ang demolisyon sa lupain matapos magbanta ang may-ari ng lupa na gigibain ang tirahan ng mga magsasaka kung hindi sila aalis sa nasabing Sitio. Patuloy ang pag-abuso ng mga nasabing may-ari sa komunidad na naninirahan sa baryo.

“Sa kabila ng paggiba sa kanilang mga tahanan ay piniling manatili ng mga magsasaka at residente sa erya dahil wala naman silang ibang pupuntahan at bilang paggigiit ng kanilang karapatan,” pahayag ng Alyansa ng mga Magbubukid ng Gitnang Luzon (AMGL).

Kulang sa katunayan

Matagal nang usap-usapan ang napipintong demolisyon sa Sitio, dahil sa pag-angkin ng dating pangulo ng Government Service Insurance System (GSIS) Federico Pascual sa nasabing lupain. Ipinag-utos ni Pascual, na nagsilbing pinuno ng GSIS sa panahon ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ang pagpapaalis sa mga magsasaka noong Marso ng nakaraang taon, sa kabila ng pagkakaroon ng Enahnced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon dahil sa pandemya ng COVID-19.

Lingid sa kaalaman ng marami, walang maipakitang kaukulang dokumento ang kampo ni Pascual na nagpapatunay ng kanyang pagmamay-ari sa lupang pinagtatalunan. Ayon sa Kilusan ng Magbubukid ng Pilipinas (KMP), hindi sapat na dahilan ng demolisyon ang pag-angkin lamang ng nasabing negosyante.

“Inaangkin ni Pascual ang lupain samantalang wala siyang maipakitang mga dokumento at wala ring rekord sa Land Registration Authority na sa kaniya ang lupa,” pahayag ng grupo.

Ayon din sa KMP, ninanais ibenta ni Pascual ang nasabing Sitio upang pagtayuan ng isang “residential project” na pamumunuan ng Sta. Lucia Realty Corporation.

Sa isang panayam kay Zaldy Montemayor, lider ng Samahan ng mga Magbubukid sa Sitio Bangad, minamanipula ni Pascual ang mga magsasaka na ang lupain ay hindi kabilang sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ngunit wala namang maipresentang ebidensya ukol dito.

Pagkilos ng mga residente

Matapos ang demolisyon, nakahanda ang mga residente ng Sitio Bangad na depensahan ang kanilang lupang tinitirhan kontra sa mga may-kapangyarihang umaangkin ng lupaing kanilang pinagyaman.

“Sa oras na ito ay alerto ding nakahanda ang mga magsasaka at residente ng komunidad upang organisadong ipagtanggol ang kanilang karapatang makapanatili sa kanilang lupang tirahan at binubungkal,” pahayag ng AMGL.

Katulad ng kanilang ginawa noong Pebrero 2020, handang ipaglaban ng mga naninirahan sa Brgy. General Lim ang pagtigil sa operasyong magpapatanggal sa kanilang tirahan at kabuhayan.

The ongoing demolition is the latest in a series of displacement of farmers and residents in the area. In February 2020, the collective resistance of farmers succeeded in preventing the attempts of Pascual’s men to demolish and displace the farmers and their families,” ayon sa KMP. [P]

Litrato mula sa KMP / @kmp_phl – Twitter

3 comments on “Iilang tirahan sa Sitio Bangad, tuluyang winasak

  1. Pingback: Pag-ani ng katarungan – UPLB Perspective

  2. Pingback: What the Build! Build! Build! Program truly destroys – UPLB Perspective

  3. Pingback: Sta. Rosa woman waited by the rubble of her ruined home for her jailed husband – UPLB Perspective

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: