News Southern Tagalog

Mga pamiliya ng mga nadakip na NPA, nanawagang pabayaan ng mga militar sila na makiramay

Sa gitna ng patuloy na militarisasyon sa Quezon, nagmamakaawa ang iilang pamilya na pabayaan na sila ng mga militar na makiramay.

Noong nakaraang linggo, ginunita ng mga taga-Quezon ang Guinayangan Massacre, na kung saan dalawang magsasaka ang namatay matapos mag-protesta ang higit 6000 tao, dulot ng militarisasyon at lumalalang ekonomiya sa ilalim ng diktaduryang Marcos noong ika-1 ng Pebrero 1981.

“Hangad ng kamag-anak na bilang lehitimong karapatan ay mapayapang dalhin ang kaanak para maihatid sa huling hantungan.Hanggang ngayon ay wala pang linaw kung kailan maiuuwi ang napaslang nilang kaanak,” batid ng alyansang karapatang pantao na Karapatan Quezon.

Ngayon, nanawagan ang iilang pamilya sa mga militar na pabayaan na silang taus-pusong makiramay sa pagamatay ng iba sa kanilang mga kamag-anak, ngayo’y kumpirmado na bilang mga kasapi ng New People’s Army (NPA) na napatay sa iba’t ibang enkwentro sa lalawigan.

Ito’y nagaganap sa gitna ng patuloy na militarisasyon sa Quezon, na kung saan nabalitaang masidhing “sinosona” ng 85th IBPA ang mga barangay ng Agro at San Jose Anyao sa Catanauan, at Brgy. Masaya at Villa Veronica sa Buenavista noong ika-6 ng Pebrero. Anila, nakarinig ng malalakas na pagsabog ang mga residente, samantalang dalawang helicopter naman ang kanilang namataan.

Nakararanas din ng kaparehong military operations ang Brgy. Suha at Milagrosa sa parehong munisipalidad ng Catanauan, mula naman sa pinagsamang puwersa ng 59th at 85th IBPA.

“Nananawagan ang mamamayan na matigil ang nangyayaring operasyon kung saan ang mga lokal [na residente ng Quezon] ang pangunahing mapipinsala, gayundin [ay ipinananawagan nila ang] proteksyon sa kanilang karapatang pantao,” pahayag ng Karapatan Quezon.

Panawagang pakikiramay

Ang isa sa kanila ay ang tinaguriang martir na si Ronnel Batarlo sa Macalelon na kung sino’y minatyagan ng hindi bababa sa 14 na sundalo, ayon sa isang Facebook post ng Anakbayan Quezon noong ika-8 ng Pebrero.

Si Batarlo, na kilala bilang umano’y mataas na kumander ng NPA sa Quezon, ay nasawi sa isang engkwentro laban sa 85th Infantry Brigade ng Philippine Army (IBPA) noong ika-5 ng Pebrero. Naganap ang sagupaan sa munisipalidad ng Buenavista sa nasabing probinsya, kung saan ang natitirang humigit-kumulang sampu pang miyembro ng NPA ay umano’y nakatakas.

Samantala, hanggang sa burol ni Batarlo ay patuloy pa rin umano ang paggambala ng militar, na animo’y banta sa mga kamag-anak nito at sa mga residente ng Macalelon.

“Naghahasik ng takot sa kasalukuyan ang mga sundalo sa mga nais lamang mapayapang makiramay at magdalamhati sa pagkamatay ng kanilang minamahal sa buhay,” pahayag ng Anakbayan Quezon.

Bukod sa pamilya Batarlo, ang mga kamag-anak naman ni Eduardo “Ka Resty” Torrenueva ay ginigipit ng mga militar sa pagkuha ng labi nito, na isa ring dating miyembro ng NPA na napaslang naman sa Brgy. San Roque Agro, Catanauan.

Gabi pa umano ng ika-9 ng Pebrero nang subukang kunin ang labi ni Torrenueva, ngunit ang mga kamag-anak ay ginipit ng mga sundalo, at nagawa pang papirmahin ng isang kasunduang hindi sila magpapatulong sa alyansa sa pag-aasikaso ng pagkuha sa bangkay.

Matapos abutin ng hatinggabi ang pakikipag-negosasyon ng mga kamag-anak ni Torrenueva, hindi pa rin nila nakuha ang labi, bagkus ay isinalang pa sa interogasyon ng mga militar, na naganap sa isang covered court sa Brgy. 7 sa Catanauan .

“Hangad ng kamag-anak na bilang lehitimong karapatan ay mapayapang dalhin ang kaanak para maihatid sa huling hantungan,” panawagan ng Karapatan Quezon. Dinagdag pa nila na wala pang konkretong detalye ukol sa pagbabalik ng mga labi.

Mahabang kasaysayan ng pag-haras, pag-abuso, at iligal na pag-aresto

Matapos ang paggunita sa Guinayangan Massacre, na kinumpara ng Karapatan Quezon pagkaka-aresto kay Alexa Pacalda, isang peasant organizer at human rights worker na umano’y iligal na inaresto dahil sa mga gawa-gawang kaso, matatandaan na maraming kaso ng paglabag ng mga karapatang pantao ang nabalita sa Quezon.

Noon namang Disyembre 2020, dalawa pang peasant organizers na sina Ruben Istokado at Renante de Leon ang iligal ding inaresto, dahil sa akusasyong lider sila ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), bagaman iginigiit ng mga akusado at mga organisasyon na wala namang katotohanan ang nasabing paratang.

Ang dalawang nasabing magsasakang tinaguriang “Atimonan 2” ay kapwa kinasuhan ng kidnapping at illegal possession of firearms, samantalang kinaharap din ni Istokado ang kasong multiple murder. Karagdagan pa rito, sapilitang ginagawang incommunicado sila ng Southern Luzon Command (SOLCOM). Ibig sabihin nito, hindi sila pinapayagan makipagkita sa kanilang mga kamag-anak.

(MGA NAUUGNAY NA BALITA: Progressive groups denounce rampant Quezon red-tagging at 2 magsasaka sa Quezon, pinagbawal ng militar makipagkita sa pamilya)

Samantala, kasalukuyan namang kinakaharap ng Secretary General ng Karapatan Quezon na si Genelyn Dichoso ang kasong attempted homicide, na sinasabing isa ring walang basehang akusasyon. Nakaranas na si Dichoso ng red-tagging bago pa man umupo si Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto. (BASAHIN: HR group call to drop Karapatan Quezon sec-gen’s trumped-up homicide case)

Lubos na kinondena ng Karapatan Quezon ang mga sunod-sunod na insidente ng panghaharas.

Pahayag nila sa kanilang post ukol sa Guinayangan Massacre, “These series of attacks, illegal arrests, on top of worsening economic conditions, lead various sectors to the conclusion that not much has really changed over the past decades. Since the massacre in Guinayangan, the killings seem to continue all over the country, now in the face of a new Marcosian dictator: Rodrigo Duterte.” [P]

Graphics by Gerard Laydia

2 comments on “Mga pamiliya ng mga nadakip na NPA, nanawagang pabayaan ng mga militar sila na makiramay

  1. Pingback: Higit 26,000 na indibidwal sa Timog Quezon, nailalagay sa alanganin dahil sa patuloy na aerial bombing – UPLB Perspective

  2. Pingback: Residents, progressive groups oppose NPA allegations on slain Sampaloc farmers – UPLB Perspective

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: