News Southern Tagalog

2 lider-unyon sa Laguna, inaresto sa magkaparehong araw

Dagdag din ng mga unyon na sila’y tinaniman ng ebidensya at dinala sa Camp Vicente Lim sa Calamba.

Noong ika-4 ng Marso, magkaparehong inaresto sa Laguna ang dating opisyal ng Lakas ng Manggagawang Nagkakaisa sa Honda (LMNH-OLALIA-KMU) na si Arnedo Lagunias at Secretary-General ng Water System Employees Response na si Ramir Corcolon sa paglabag umano sa Batas Republika (RA) 9516 o illegal or unlawful possession ng isang rifle grenade. 

Si Lagunias na dati ring opisyal ng ng Alyansa ng Manggagawa sa Engklabo (AMEN) ay inaresto ng Philippine National Police (PNP) mismo sa kanyang tahanan sa Brgy. Pulong Sta. Cruz sa Sta. Rosa, Laguna. Si Coroclon naman ay hinuli sa kanyang bahay saSan Pablo City, Laguna.

Noon pa umanong 2020 nakaranas na si Lagunias ng pangha-harass mula sa PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa pag-aakusa umano sa kanya bilang miyembro ng Communist Party of the Philippine-New People’s Army (CPP-NPA). Bilang kasama ng mga manggagawa ng Coca-Cola Sta. Rosa, kabilang si Lagunias sa mga pilit na pinapasuko  bilang mga kasapi ng NPA. (BASAHIN: Nine Coca-Cola workers face harassment amid pandemic; workers alliance criticizes state forces’ intimidation)

Isa sa mga  opisyal ng AFP na bumisita sa bahay ni Lagunias ay si SSgt. Romy Aragon

Bandang Nobyembre noong nakaraang taon nang nagsampa ng kaso laban kay Lagunias at sa PAMANTIK-KMU si Aragon sa Brgy. Pulong Sta. Cruz dahil umano sa “false accusations” sa kanya ng pananakot at pangha-harass kay Lagunias.

Samantalang si Ramir Corcolon ay ilegal na inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Sta. Cruz bandang 4:30 AM noong parehong araw habang ni-raid umano ang kanyang tahanan sa San Pablo. 

Ayon pa sa College Editors Guild of the Philippines (CEGP), habang isinasagawa ang tokhang style raid” kay Corcolon ay tinaniman umano ng mga armas at eksplosibo ang kanyang tahanan.

Ayon sa mga nakasaksi, si Lagunias at Corcolon ay parehong dinala sa Camp Vicente Lim sa Canlubang, Calamba, Laguna.

Mga hindi makatarungang pag-aresto

Si Corcolon ay miyembro rin ng grupo ng mga manggagawa na Confederation for the Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) National Council kung saan mariing kinundena ng unyon ang hindi makatarungang pagsalakay sa bahay at kasunod na pag-aresto kay Corcolon na pangulo din umano ng San Pablo City Water District Employees Association (SPCWDEA).

“COURAGE stands that Mr. Corcolon is a bonafide public sector unionist, and an elected member of the COURAGE National Council. The Confederation calls for his immediate release and demands the PNP to stop its nefarious schemes against unionists, political activists and rights defenders,” payo ng grupo.

Nanawagan sila para sa kanyang agarang paglaya, at nakita nila ito bilang panibagong atake sa mga unyon.

“We call for the soonest release of Mr. Corcolon, and we condemn in the strongest possible terms this yet another attack versus unionism and human rights in the Philippines. Just last night, lawyer for the victims of the Tumandok Massacre in Panay Island[,] Atty. AK Guillen was brutally stabbed in Iloilo City.” pahayag ni COURAGE Secretary General Manuel Baclagon.

Ang Tumandok Massacre ay naganap noong Disyembre 2020, na kung saan siyam na pinuno ay napaslang umano dahil sa kanilang oposisyon laban sa ginagawang Jalaur Mega Dam sa Calinog, Iloilo, bilang parte ng Jalaur  River Multipurpose Project – Stage II (JRMP II) na nagpapaalis ng mga Tumandok sa kanilang mga tahanan. Higit dito ay 17 (noon nabalita bilang 18) residente ay naaresto ng mga militar (BASAHIN: 9 Tumandok IP pinaslang, 18 inaresto sa Capiz).

Nananawagan din sila na ihinto ang mga masasamang gawain laban sa mga unyonista, aktibista sa politika at mga tagapagtanggol ng karapatan katulad na lang ng nangyaring pananaksak ng dalawang hindi pa kilalang salarin kay Atty. Angelo Karlo Guillen bandang 9:15 PM noong ika-3 ng Marso sa kahabaan ng Gen. Luna St. Iloilo City.

Si Guillen ay ang tumatayong Secretary-General ng National Union of People’s Lawyers Panay at kabilang sa 42 na naaresto sa isang protesta noong Mayo 2020 matapos ang pagkamatay ng aktibista na si Jory Porquia ngunit napalaya matapos makapag-piyansa noong Setyembre 2020.

Kabilang sa mga kliyente ni Guillen ang mga miyembro ng Tumandok IP na kasalukuyang nahaharap sa kasong possessing firearms and ammunition. Ito ay matapos ang pagpatay sa 9 na Tumandok noong Disyembre 2020 sa kamay ng 12th Infantry Battalion at pulisya. 

Nais ng COURAGE na tipunin ang mga unyonista, mga tagapagtanggol ng karapatan at maging mga mamamayan na sama-samang kondenahin ang mga kamakailang paglabag sa karapatan. na nauwi sa pagpatay.

Pagkatapos ng aresto, ang COURAGE ay nagsagawa ng online press conference noong ika-4 ng Marso bandang 1:00 PM at nag-organisa ng mobilisasyon sa harap ng Commission on Human Rights Central Office sa Lungsod ng Quezon bandang 3:00 PM upang irehistro ang hindi pag-apruba nito sa administrasyong Duterte at ang pag-atake nito laban sa karapatang sibil at pampulitika.

Search Warrant Factory Queens

Ayon sa inilabas na search warrant ng dalawang  lider-manggagawa, mapapansing parehong si Executive Judge Divinagracia Bustos-Ongkeko  ang nag-isyu nito sa ilalim ng Branch 91 Regional Trial Court (RTC) Sta. Cruz.

Maihahalintulad ang gawaing ito kay Judge Cynthia Mariño-Ricablanca na matatandaang nag-isyu ng mga invalid search warrants laban sa anim na magtutubo sa Calaca Batangas na  hindi dumaan sa tamang proseso sa pag-isyu ng warrant kung kaya’t nagbigay daan sa pagbasura sa kaso ng mga magtutubo. 

Dagdag pa rito ang ginawa ni Judge Cecilyn Burgos-Villavert na pag-isyu ng mga search warrant sa mga aktibista sa Metro Manila at Negros (BASAHIN: Labor center blasts ‘Search Warrant Factory Queen’ judge for HR Day 7 arrest).

Ikinababahala ng mga organisasyong tulad ng Karapatan Timog Katagalugan ang talamak na pag-aresto sa mga indibidwal na nireredtag ng pamahalaan kung saan maging mga huwes ay kasabwat ng PNP sa pag “witch hunting” sa mga aktibista na nais lamang ipagtanggol ang kanilang karapatan, kabuhayan at demokrasya. [P]

Photos from Kilusang Mayo Uno

7 comments on “2 lider-unyon sa Laguna, inaresto sa magkaparehong araw

  1. Pingback: Taking up space: Honoring the women of Southern Tagalog – UPLB Perspective

  2. Pingback: Mga manggagawa ng Wyeth, nakaranas ng patuloy na pananakot mula sa NTF-ELCAC – UPLB Perspective

  3. Pingback: Families, friends reiterate demand for justice a month after COPLAN ASVAL’s Bloody Sunday – UPLB Perspective

  4. Pingback: LIST: Human rights watch (August 1 – 7, 2021) – UPLB Perspective

  5. Pingback: LIST: Human rights watch (August 8 – 14, 2021) – UPLB Perspective

  6. Pingback: Nexperia union officers harassed by AFP-PNP and NTF-ELCAC, forced to disaffiliate from labor center – UPLB Perspective

  7. Pingback: Unions demand justice, pro-worker reforms for the upcoming ILO-HLTM – UPLB Perspective

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: