News Southern Tagalog

9 patay, 6 arestado matapos ang ‘Bloody Sunday’ sa Timog Katagalugan

UPDATE (March 17, 2021): Later reports confirmed that nine were killed and six were arrested in what is now formally called as “COPLAN ASVAL.” The headline has been corrected in line with the update.


Sa isang organisadong crackdown na isinagawa kaninang umaga lamang, ika-7 ng Marso, inaresto at pinagpapatay ang mga labor organizer at lider-aktibista sa iba’t-ibang bahagi ng Timog Katagalugan.

Sa datos na inilabas ng Philippine National Police (PNP) kaninang tanghali, 18 na search warrants ang inihain para sa iba’t-ibang mga progresibong personalidad sa Timog Katagalugan. Sa kasalukuyan, lima ang kumpirmadong namatay, bagaman unang sinabi ng PNP na anim ang mga pinaslang dahil sa umano’y “panlalaban.” Pito naman ang mga kumpirmadong arestado, samantalang ayon din sa datos mula sa kapulisan, siyam umano ang pangkalahatang bilang ng mga inaresto.

Sina Chai Lemita at Ariel Evangelista. Litrato mula sa PAMANTIK-KMU.

Sa Nasugbu, Batangas: Matapos unang ibalitang nawawala, kinumpirma ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog-Katagalugan (PAMANTIK-KMU) na namatay sina Ariel Evangelista at Chai Lemita-Evangelista, mga miyembro ng Ugnayan ng Mamamayan Laban sa Pagwawasak ng Kalikasan at Kalupaan (UMALPAS KA). Dinakip ang mag-asawang Evangelista kaninang alas-4 nang umaga, matapos halughugin ang kabahayan at mga kubo ng pamilya Lemita.

Ayon sa Karapatan, isang alyansang lumalaban at nagbibigay-atensyon sa mga human rights violation sa bansa, “Nakarinig ang mga kapitbahay ng mga putok ng baril at pagmamakaawang sigaw sa mag-uumagang iyon. Mabilis na dinampot ang mag-asawang Ariel at Chai. Hinanap ni Inda Lemita ang mag-asawa sa mga ospital at natagpuan ang mga ito sa John Paul Funeral sa Nasugbu.” 

Samantala, dagdag pa ng alyansa, nakatakas naman ang nakababatang kapatid ni Chai, habang nanakbo ang 10-taong gulang na anak ng mag-asawa upang makatakas din mula sa raid.

Crime scene sa Workers Assistance Center ng BAYAN-Cavite, na kung saan napatay si Emmanuel “Manny” Asuncion. Litrato mula sa PAMANTIK-KMU.

Sa Dasmariñas, Cavite: Namatay rin si Manny Asuncion, coordinator ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Cavite, matapos siyang pagbabarilin ng mga pulis sa isang raid sa Workers’ Assistance Center (WAC). Bilang tagapagsalita ng BAYAN-Cavite, si Asuncion ang nagbibigay ng mga impormasyon ukol sa mga nagaganap na development aggression sa kanilang probinsya.

(MGA NAUUGNAY NA BALITA: Sitio Silangan urban poor greeted with gunshots on ML anniversary at Cavite groups protest development aggression, Bacoor LGU no show in dialogue)

Ayon sa isang pahayag mula sa General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action Southern Tagalog (GABRIELA – ST), sumalakay ang mga pulis sa bahay ni Asuncion bandang alas-3 nang umaga kanina. Wala umanong bitbit na search warrant ang mga ito at nakatakip pa ang mga nameplate. Pinadapa ng mga pulis si Asuncion at ang kaniyang asawa bago sila pinaputukan nang sampung beses. Matapos noon ay kinaladkad pa umano at “binaboy” ang kanilang mga katawan.

Samantala, pinuntahan din ng kapulisan ang bahay nina Asuncion sa Rosario, Cavite, na kanina’y kinaroroonan ng kaniyang mga anak. Ang nasabing lokasyon ay tinamnan din umano ng armas ng mga pulis.

Sa Montalban, Rizal: Pinatay rin sina Michael Dasigao at Makmak Bacasno, mga miyembro ng San Isidro Kasiglahan, Kapatiran at Damayan para sa Kabuhayan, Katarungan at Kapayapaan (SIKKAD-K3), isang ligal at lehitimong organisasyon ng mga maralitang nakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan. 

Dagdag pa ng PAMANTIK-KMU, may naganap ding putukan sa Kasiglahan Village, Montalban, matapos looban ang mga bahay ng dalawang lider-pesanteng kinilala bilang sina “Tatay Moises” at “Dodong Bagsik.”

Ang mga residente ng Kasiglahan Village at Brgy. Rodriguez sa Montalban ay matagal nang nakararanas ng mga atake mula sa estado. Bukod pa sa sapilitang pagsusuko sa mga sibilyan bilang mga kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), kinakaharap din nila ang mga panganib dulot ng mga proyektong nakakasira sa kalikasan, tulad ng patuloy na quarrying sa probinsya.

(MGA NAUUGNAY NA BALITA: Urban poor group presented as ‘surrenderees’ by AFP, Grupong maralita, nananawagang pigilan ang quarrying sa Rizal, at Banta sa laban para sa karapatan: Grupong maralita sa Rizal, patuloy na ginagambala ng red-tagging, militarisasyon)

Ang tahanan ni Nimfa Lanzanas matapos siya maaresto. Litrato mula sa PAMANTIK-KMU.

Sa Cabuyao, Laguna: Sa bisa naman ng isang search warrant, inaresto sina Steve Mendoza ng OLALIA-KMU, Elizabeth “Mags” Camoral ng BAYAN-Laguna. 

Ayon sa PAMANTIK-KMU, inaresto si Mendoza sa loob ng kaniyang tahanan matapos wasakin ang gate nito. Hinuli naman si Camoral sa headquarters ng Defend Yulo Farmers sa San Isidro, Cabuyao, samantalang inaresto si Lanzanas.

Sa Calamba, Laguna: Hinuli naman si Nimfa Lanzanas ng Kapatid-ST at paralegal aide sa kaniyang tahanan, sa harap ng mga bata niyang apo.

Sa Sto. Tomas, Batangas: Pinasok ng kapulisan ang bahay ni Lino Baez, coordinator ng BAYAN-Batangas sa Sto. Tomas. Bagaman walang sinumang inaresto sa kaniyang pamilya, tinamnan naman umano ang kaniyang tahanan ng mga baril at pampasabog, ayon sa Karapatan.

Sa Antipolo, Rizal: Inaresto rin si Eugene Eugenio ng Courage-Rizal, matapos tamnan ng baril ang kaniyang bahay. Sa kasalukuyan, hindi pa rin nakukumpirma kung saan siya dinala ng mga pulis.

Ang mga search warrant na inihain sa mga inaresto ay inisyu ng kinilalang si Jose Lorenzo dela Rosa, huwes ng Manila Regional Trial Court Branch 4. Si dela Rosa rin ay isa sa mga huwes na naghain ng search warrants nang maganap ang Tumandok Massacre noong nakaraang taon (BASAHIN: 9 Tumandok IP pinaslang, 18 inaresto sa Capiz).

Purge night

Nagkaisa ang iba’t-ibang organisasyon sa pagkondena sa isinagawang crackdown sa Timog-Katagalugan, lalo na’t naganap ito tatlong araw lamang matapos ang pag-aresto sa dalawang labor leader sa Laguna.

“Mahigpit naming kinukondena ang malinaw na pakana ng rehimeng US-Duterte na patahimikin ang kilusang manggagawa sa Laguna at sa Timog Katagalugan sa pamamagitan ng pagresiklo ng mala-Sinas nitong taktikang pagkuha ng maramihang search warrant upang arestuhin ang mga aktibista at progresibo at tamnan ng mga ebidensya,” pahayag ng PAMANTIK-KMU matapos ang serye ng mga pag-aresto.

Noong ika-4 ng Marso, iligal na inaresto at ikinulong sina Ramir Corcolon at Arnedo Lagunias, matapos umano silang tamnan ng mga baril at granada, habang nagsagawa ng raid sa kanilang mga bahay ang PNP. 

Ang insidenteng ito ay una nang kinondena ng PAMANTIK-KMU, na sinabing, “Walang motibo o anumang dahilan si Lagunias, isang matagal nang lider-manggagawa at manggagawang pangkultura, na magkaroon ng baril at granadang nahanap umano ng mga pulis sa kanyang bahay.”

Samantala, nagkaisa rin ang mga kabataan sa pagkondena sa naganap na crackdown ngayong araw. Kaninang hapon, nagsagawa ng kilos-protesta ang mga mag-aaral ng UPLB sa Carabao Park upang kundenahin ang malawakang pag-aresto.

Nanawagan ang Kabataan Partylist sa mga kabataan na ilantad ang lumalalang pasismo sa Timog Katagalugan.

“Tandaan natin ang libo-libong pinaslang ng kapulisan sa Oplan Tokhang! Ngayon, ginagamit nila ang parehong taktika sa mga progresibong grupo’t indibidwal. Walang respeto ang rehimeng Duterte sa ating karapatang pantao!” anila sa isang Facebook post.

Matatandaan na noon lamang nakaraang Biyernes, ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa mga militar na agad-agarang patayin ang mga “rebelde” sa pagkakataong magkaroon ng engkwentro. Hinding-hindi niya umano hahayaang mapabagsak ang gobyerno.

Kill them right away. Ignore human rights. That is my order,” ani ng pangulo.

Samantala, kinundena rin ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ang crackdown, na sinabing ang kagagawang ito ng rehimeng Duterte ay pagpapakita ng patuloy na pananakot, panghaharas, at panunupil sa mga mamamayang ipinaglalaban ang karapatan ng mga pesante at manggagawang Pilipino.

“Duterte must be warned that no fascist measures have ever quelled the united and solid actions of the people who have toppled despotic regimes throughout history,” pahayag ng grupo.

Dagdag pa ng PAMANTIK-KMU, ang mga pag-atake laban sa mga manggagawa ay ipinatupad ng administrasyong Duterte, na siyang mas pinapaburan ang mga interes ng mga dayuhang kumpanya.

“Kagyat na pinatunayan lamang ni Duterte, ng SOLCOM [Southern Luzon Command], at ng PNP-CALABARZON na iigting lamang ang mga atake laban sa mga mamamayan habang nauubusan na ng panahon ang palpak at pasistang rehimeng US-Duterte na sagad sa buto ang pagpapakatuta sa imperyalistang interes ng US at Tsina,” pahayag ng organisasyon.

Anila ang isinagawang crackdown ay malinaw na pakana ng rehimeng Duterte na patahimikin ang mga manggagawa sa Timog Katagalugan, na kumikilos upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan. [P]

44 comments on “9 patay, 6 arestado matapos ang ‘Bloody Sunday’ sa Timog Katagalugan

  1. Pingback: Taking up space: Honoring the women of Southern Tagalog – UPLB Perspective

  2. Reuben V. Espartinez

    It is quite difficult for me to believe what the CPP/NDF/NPA and their front organizations say and publicize. In the first place, communism does not believe in a Supreme Being who guides the destinies of men and nations. Former FBI Director John Hoover calls them “Masters of Deceit.” I have personal knowledge of fellow UCCP pastors and people who were murdered/massacred by the NPAs and blamed on the government security forces. In the second place, the CPP/NDF/NPA is obsessed with taking over government by armed struggle and will do everything, good or bad, just to achieve this goal. As a Christian pastor, COMMUNISM is what the Bible says, “The thief that comes to steal, kill and destroy. I (Jesus) have come that you may have life and have it abundantly.” (John 10:10.) No Philippine President has ever been praised, obeyed, agreed with, by communists, No government system is good unless it is run by communists. Christians are admonished to love and pray for the government. (Romans 13) The CPP/NDF/NPA teaches hate and destruction for the church and the state. Thank God for the Philippine Government and President Duterte!

  3. Pingback: Mga manggagawa ng Wyeth, nakaranas ng patuloy na pananakot mula sa NTF-ELCAC – UPLB Perspective

  4. Pingback: Lone USC slate attains complete win, Severino appointed as chair – UPLB Perspective

  5. Pingback: Lider manggagawa Dandy Miguel, patay matapos pagbarilin sa Calamba – UPLB Perspective

  6. Pingback: Sa halip na ilaan sa kalusugan, DILG, NTF-ELCAC, nagpaubaya ng P20 milyon kada barangay para sa ‘peace, order’ – UPLB Perspective

  7. Pingback: Sa halip na ilaan sa kalusugan, DILG, NTF-ELCAC, nagpabuya ng P20 milyon kada barangay para sa ‘peace, order’ – UPLB Perspective

  8. Pingback: Families, friends reiterate demand for justice a month after COPLAN ASVAL’s Bloody Sunday – UPLB Perspective

  9. Pingback: ‘Hindi mali ang makibaka’: UPLB students push to keep campus a safe haven after alarming police presence in Brgy. Batong Malake, Los Baños – UPLB Perspective

  10. Pingback: Victims of ‘Love’: Kung paano nananamantala ng buhay ang bulok na ‘pagmamahal’ ng administrasyon – UPLB Perspective

  11. Pingback: Forensic pathologist demands justice for COPLAN ASVAL victims as findings reveal they were ‘shot to be killed’ – UPLB Perspective

  12. Pingback: The greatest showman: 5 years of disservice, 6 SONAs of lies – UPLB Perspective

  13. Pingback: Sister of Bloody Sunday victim subpoenaed over trumped-up charges, faces ‘multiple attempted murder’ allegations – UPLB Perspective

  14. Pingback: Nexperia union officers harassed by AFP-PNP and NTF-ELCAC, forced to disaffiliate from labor center – UPLB Perspective

  15. Pingback: UP student councils hold 51st GASC online, 20 resols for academic rights, heightened pandemic response approved – UPLB Perspective

  16. Pingback: UP student councils campaign for critical youth participation in the 2022 elections; UPvote puts resolution into action – UPLB Perspective

  17. Pingback: Biguin ang diktadura – UPLB Perspective

  18. Pingback: 2 lider-aktibista mula sa Batangas, dinakip sa Quezon, binansagang NPA; pulisya at militar, sadya umanong pinabagal ang proseso – UPLB Perspective

  19. Pingback: 3 former RAM members sentenced to reclusion perpetua after the 1986 murders of unionists Rolando Olalia, Leonor Alay-ay – UPLB Perspective

  20. Pingback: 3 former RAM members sentenced to reclusion perpetua after the 1986 murders of labor leaders Rolando Olalia, Leonor Alay-ay – UPLB Perspective

  21. Pingback: Peasant month protests; Cristina Magistrado arrest – UPLB Perspective

  22. Pingback: 11 farmers’ homes demolished on Peasant Day; farmers call for land distribution, genuine agrarian reform – UPLB Perspective

  23. Pingback: State forces’ “peace forums” for students: Latest avenue for red-tagging scheme – UPLB Perspective

  24. Pingback: Progressives express support as DOJ sues 17 cops for the murder of labor leader Ka Manny Asuncion – UPLB Perspective

  25. Pingback: A revolutionary’s perspective: What an ex-NPA’s narrative reveals about the roots and aims of the armed struggle – UPLB Perspective

  26. Pingback: No blood spared: A year after Bloody Sunday – UPLB Perspective

  27. Pingback: OPISYAL NA PAHAYAG NG UPLB PERSPECTIVE HINGGIL SA PAN-RE-REDTAG NG 201ST INFANTRY BRIGADE – UPLB Perspective

  28. Pingback: Ang laban ng Batangas para sa makataong pamamahala – UPLB Perspective

  29. Pingback: Flores de Endo, inilunsad ng grupo ng mga manggagawa upang ipanawagan ang pagtaas ng sahod, pagwakas sa kontraktwalisasyon – UPLB Perspective

  30. Pingback: Incoming DOJ Secretary Boying Remulla, binatikos ng mga progresibong grupo dahil sa red-tagging laban sa biktima ng Bloody Sunday – UPLB Perspective

  31. Pingback: Mga progresibong grupo, ipinamalas ang tunay na pagkakaisa sa kilos-protesta sa inagurasyon ni Marcos Jr. – UPLB Perspective

  32. Pingback: Mga prominenteng dinastiya sa CALABARZON, nanguna sa Halalan 2022 – UPLB Perspective

  33. Pingback: Walang pinagkaiba ang anak ng diktador – UPLB Perspective

  34. Pingback: As state terrorism intensifies, UP councils call for GRP-NDFP peace talks – SINAG

  35. Pingback: ‘Lupa, ayuda, hustisya’, panawagan ng mga pesante sa gitna ng ekonomikong krisis, kakapusan sa pagkain – UPLB Perspective

  36. Pingback: ‘Lupa, ayuda, hustisya’, panawagan ng mga pesante sa gitna ng taas-presyo, kakapusan sa pagkain – UPLB Perspective

  37. Pingback: Baga ng Pakikibaka sa Silangan – UPLB Perspective

  38. Pingback: Hustisya at kalayaan, panawagang bitbit ng human rights defenders sa caravan para sa karapatang pantao – UPLB Perspective

  39. Pingback: UPLB students mobilize to slam NCST Bill – UPLB Perspective

  40. Pingback: Unions demand justice, pro-worker reforms for the upcoming ILO-HLTM – UPLB Perspective

  41. Pingback: TINGNAN: Mga kaganapan at pagkilos para sa buwan ng Marso – UPLB Perspective

  42. Pingback: Kasiglahan Village in Rizal decry state forces over bogus agreement signing – UPLB Perspective

  43. Pingback: Mapanlinlang na alyansa, balatkayo ng Imperyalista  – UPLB Perspective

  44. Pingback: Pagdaluyong ng hukbong mapagpalaya – UPLB Perspective

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: