Orgwatch

GANDINGAN 2021: The 15th UPLB Isko’t Iska’s Multi-media Awards

Gandingan 2021, dadagundong para sa Pampublikong Kalusugan muli na namang tutunog ang Gandingan!

Muling ilulunsad ngayong 2021 ang Gandingan: The UPLB Isko’t Iska’s Multi-media Awards na may temang “Midya: Kaagapay ng Bayan sa Pagharap sa Krisis sa Pampublikong Kalusugan.” Mapapanood ang livestream ng ika-15 Gandingan Awards sa Facebook sa ganap na ika-2 ng hapon sa Mayo 22.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na gaganapin ang Gandingan Awards online bunsod pa rin ng dumaraming bilang ng kaso ng COVID-19 sa ating bansa. Una at natatangi ang Gandingan sa mga media awards na nagsagawa ng online na programa noong Hulyo 2020. Bago dumating ang hamon ng pandemya, isinasagawa ito sa DL Umali Hall sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB) mula 2007 hanggang 2019.

Sa pamumuno ng UP Community Broadcasters’ Society (UP ComBroadSoc), pinararangalan ng Gandingan ang mga natatanging programa, personalidad, istasyon, at iba pang plataporma ng midya na nagbibigay diin sa komunikasyong pangkaunlaran at walang tigil na naghahatid ng makabuluhang impormasyon para sa bayan. Hindi matatawaran ang naging gampanin ng midya at ng mga kawani nito sa paghahatid sa publiko ng mga kritikal na impormasyong pangkalusugan. Kasama rito ang pagbibigay-halaga sa kaalaman ng mga nakahahawa at hindi nakahahawang mga sakit gaya ng dengue, tigdas, polio, diabetes, at higit sa lahat, ang COVID-19 na kasalukuyang nangingibabaw sa bansa at sa mundo.

Sa pamamagitan ng midya, naipararating sa madla ang mga impormasyong makatutulong mapanatili ang malusog na pangangatawan at pag-iisip upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga nasabing sakit. Ang mga ito ang binigyang pansin ng Gandingan Awards ngayong taon.

Kasama ng patuloy na pagtugon ng midya sa layuning maibigay ang mahahalagang impormasyon ang pagpapakita sa publiko kung gaano katindi ang pakikipaglaban ng medical frontliners sa sakit, ang panawagan ng mga manggagawang pinagkaitan ng karapatang makapagtrabaho, ang mga estudyanteng biktima ng kawalan ng pantay at inklusibong edukasyon, gayundin ang mga biktima ng pang-aabuso, at iba pang mga sektor ng lipunan na patuloy na lumalaban para sa kanilang kalusugan. Ang pagdagundong ng Gandingan ay para sa kanilang lahat.

Sa taong ito, ibabahagi ang mga donasyong matatanggap mula sa Gandingan Awards sa mga batang may kanser na kinakanlong ng Silungan ng Pag-asa (Shelter for Hope) sa Maynila. Ito ang nagsisilbing pansamantalang tirahan ng mga batang nagmula sa iba’t ibang lalawigan na walang malalapitang kamag-anak habang patuloy na nakikipagsapalaran sa Maynila upang magpagamot. Sa kasalukuyan, limang bata ang namamalagi roon habang ang iba ay nasa kani-kanilang mga probinsya na patuloy pa ring sinusuportahan ng Silungan ng Pag-asa.

Publication Material from Gandingan Awards

Para sa iba pang mga detalye, sundan lamang ang mga sumusunod na social media accounts:

Facebook Page: https://www.facebook.com/GandinganAwards/

Twitter: @GandinganAwards

Instagram: @upcombroadsoc

The UP Community Broadcasters’ Society Inc. Facebook Page:

https://www.facebook.com/UPComBroadSoc

________________________________

Orgwatch is an initiative by UPLB Perspective that aims to strengthen its efforts in promoting a pro-student and well-informed community. Each week we curate a list of events, webinars, activities, donation drives, and campaigns led by student organizations that we think you need to know.

For interested parties who wish to have to have their relief efforts included in this list, they may contact the Perspective through their official Facebook page.

Send us your events at orgwatch.uplbperspective@gmail.com. Provide the full name and brief description of your organization and the initiative you want to promote and send us a copy of your logo and relevant publication material(s). [P]

0 comments on “GANDINGAN 2021: The 15th UPLB Isko’t Iska’s Multi-media Awards

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: