Muling ilulunsad ng League of Filipino Students – UPLB ang taunang Paaralang Emilio Jacinto 2021 na naglalayong magbibigay diskusyon sa mga realidad na kinahaharap ng uring magsasaka sa ilalim ng mapanghamak na lipunan sa Oktubre 29-31.

Kada taon, ang PEJ ay tumatalakay sa mga isyung panlipunan na may kinalaman sa tema ng buwan na pagdadausan nito. Ngayong taon at bilang pag-alala sa Buwan ng mga Pesante ay ilulunsad ang PEJ 2021 upang mas mapalalim ang pag-aaral sa kalagayan ng mga Pilipinong magsasaka sa ilalim ng imperyalismo.

Ang unang araw ng serye ay gaganapin sa Oktubre 29, 2021 ganap na ika-7 ng gabi na pinamagatang “Lupang Binungkal, Buhay at Dugo ang Inani : An Educational Discussion on Imperialism on Agriculture.” Susundan ito ng ikalawang paksa na “Daan Taong Paghihirap sa Hinaklit na mga Pangarap : An Educational Discussion on Land Conversion” sa ika-3 ng hapon sa Oktubre 30, 2021. Magtatapos naman ang serye sa isang Watch Party na tinatawag na “Pesante, Militante! : A Watch Party on Ang Amomonggo sa Aton and Bullet-laced Dreams” na gaganapin sa parehong oras.
Ang bawat araw ng serye ay magkakaroon ng mga tagapagsalitang maalam sa mga isyung nabanggit, mga reactor na susuhay sa mga diskusyon, at mga direktor upang magbigay mensahe sa mga manonood.
Ang mga nais dumalo ay maaaring magparehistro sa sumusunod na link:
tinyurl.com/LFSPEJ2021
Bitbit ang mga panawagang pagdiriwang sa buwan ng mga pesante at pakikiisa sa hanay ng mga militante, ang LFS-UPLB isang pambansa-demokratikong pangmasang organisasyon na binubuo ng mga kabataang estudyante ng UPLB na naglalayong isulong ang paglaganap ng impormasyon at diskusyon tungkol sa kasalukuyang sosyo-politikal na isyung kinahaharap ng ating lipunan. Ito rin ang nangunguna at pinakamalawak na anti-imperyalistang organisasyon sa bansa.
________________________________
Orgwatch is an initiative by UPLB Perspective that aims to strengthen its efforts in promoting a pro-student and well-informed community. Each week we curate a list of events, webinars, activities, donation drives, and campaigns led by student organizations that we think you need to know.
For interested parties who wish to have their relief efforts included in this list, they may contact the Perspective through their official Facebook page.
Send us your events at orgwatch.uplbperspective@gmail.com. Provide the full name and brief description of your organization and the initiative you want to promote, and send us a copy of your logo and relevant publication material(s). [P]
0 comments on “PEJ 2021, ilulunsad ng LFS-UPLB ngayong buwan ng mga pesante”