Mga salita ni Marivic Victoria Cabrera
Patnugot: Ito ay isang arkibo mula sa UPLB Perspective Bolyum 11, Isyu 2, na inilathala noong July 10, 1984.
Matapos ang humigit-kumulang sa apat na taong pananahimik, muling kinakitaan ng militansya ang mga mag-aaral ng UPLB nang mahigit sa 1,700 ang sumama sa March to Malacanang II noong Hunyo 28.
Sakay ng 11 bus at 10 dyipni, bumaba sa UP Diliman ang mga estudyante ng UPLB kung saan isang mainit na pagsalubong ang ibinigay sa kanila.
Alas 2:45 ng hapon nang dumating ang grupo ng mga taga-UPLB at UP Diliman sa kampus ng University of Sto. Tomas sa España Maynila kung saan nagsilnula ang martsa na dumaan din sa mga kalye ng P. Naval, Florentino Cayco, Tomas Earnshaw, P. Paredes at Nicanor Reyes. Sumalubong sa nasabing lugar ang delegasyon ng UST at August Twenty-one Movement (ATOM).
Tumagal ng may dalawang oras ang rali sa kanto ng Legarda at Recto sa kabula ng matamang pagbabantay ng may mga 700 unipormadong pulis bukod pa sa mga namataang di-unipormado at secret marshals. Hindi rin inalintana ng mga mag-aaral ang paulit-ulit na order ng pulisya na mag-siuwi na para sa kanilang “kabutihan”.
Matapos ang may 45 minutong pakikipagdayalog ng mga estudyante kay Budget Minister Manuel Alba, pumayag ang huli na magsa- ayos ng isang pulong ang mga estudyante kasama ang Pangulong Marcos. Sinabi rin nitong malamang na ito’y ganapin sa Malacañang.
Payapang natapos ang rali nang bandang ika-anim ng hapon matapos mailahad ng mga mag-aaral ang kanilang mga sumusunod na kahilingan:
1. Huwag ipasa sa masa ang krisis pang-ekonomiya sa pamamagitan ng pagbababa ng presyo, pagbababa ng buwis, at pag-tataas ng sahod.
2. Dagdagan ang badyet ng edukasyon at ilipat ang pondo ng militar dito.
3. Itigil ang lahat ng pagtataas ng twisyon at itaas ang sahod ng nnga guru at manggagawa.
4. Tutulan ang pandidikta ng International Monetary Fund (IMF) sa usapin ng edukasyon.
5. Tutulan ang Inga pakana ng IMF sa pamamagitan ng pag- tanggi sa debalwasyon at sa mga pautang.
6. Isulong ang makabansa. siyentipiko. at makamasang sistema ng edukasyon.
7. Makiisa sa mga mamamayan sa pakikipaglaban para sa pambansang kalayaan at demokrasya.
Dumalo din sa nasabing kilos- protesta ang mga estudyante ng ibang paaralan gaya ng University of the East, Far Eastern University, University of Tomas, San Beda College, La Salle, Ateneo University, Philippine Christian University, Lyceum of the Philippines, Guzman Institute of Technology, Technological Institute of the Philippines, at Manuel L. Quezon University.
Ang nabanggit na martsa ay sama-samang tinangkilik ng mga militanteng organisasyon tulad ng Katipunan ng mga Sanggunian ng mga Mag-aaral sa UP (KASAMA),League of Filipino Students (LFS), at National Union of Students of the Philippines. Nilahukan din ito ng mga kasapi ng mga samahang tulad ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), Samahan ng mga Kababaihang Nagkakaisa, Students Christian Movement of the Philippines (SCMP) at August Twenty Movement (ATOM). [P]
0 comments on “20,000 nagmartsa sa Malacañang”