News Orgwatch

TINGNAN: Bayanihan at inisyatiba para sa mga sinalanta ni #KardingPH


Malakas na bugso ng hangin at pagbayo ng ulan ang sumalubong sa Linggo ng kalakhang Luzon dulot ng pananalasa ng Super Typhoon Karding. Binagtas ng bagyo ang buong Gitnang Luzon, NCR at ang hilagang bahagi ng CALABARZON, kung saan nag-iwan ito ng malawakang pagbaha at pinsala sa mga dinaanang lalawigan.

Bilang tugon, iba’t ibang grupo mula Timog-Katagalugan at mga organisasyon sa loob ng unibersidad ang naglunsad na ng mga inisyatiba gaya ng mga donation drives upang agarang makapagpaabot ng tulong sa mga tuwirang nasalanta ng bagyo.

Mga Pagkilos sa Timog-Katagalugan

Mga Lathala mula sa Kabataan Partylist Southern Tagalog / Facebook

Naglunsad ang Kabataan Partylist Southern Tagalog, kasama ang Serve The People Brigade – UPLB (STPB – UPLB), ng isang monetary donation drive upang makalikom ng mabilis na tulong sa mga nasalanta. Naglunsad din sila ng grievance form upang alamin at tiyakin ang tunay na kalagayan ng mga mag-aaral ng Timog Katagalugan sa dumaang kalamidad.  Para sa mga karagdagang impormasyon at suhestiyon, maaari maabot ang organisasyon sa kanilang opisyal na Facebook page – Kabataan ST.

Mga Lathala mula sa Southern Tagalog Serve the People Corps / Facebook

Naglungsad din ng malawakang pagkilos ang Southern Tagalog Serve the People Corps sa buong Timog-Katagalugan upang magpanawagan ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo. Maaring makapagbigay ng monetary na donasiyon sa kanilang organisasiyon sa mga ibinigay nilang account at contacts. Para naman sa pagtanggap ng in-kind na donasyon, nagtalaga ang grupo ng iba’t ibang drop-off points sa kalakhan ng CALABARZON  para sa mas mabilis na pagkilos at pagsasaayos ng mga ibinigay na donasyon. Ang mga sumusunod ay ang mga lugar na naitalaga ng grupo bilang drop-off sites:

Main Drop-off Point:  

  • Church Among the Palms, No.9 Jose R. Velasco Avenue, College, Los Baños, Laguna

Other Drop-off Points:

  • Lupang Ramos, Brgy. Langkaan 1, Lungsod ng Dasmariñas, Cavite
  • Maligaya St., Brgy. San Isidro Sur, Lungsod ng Sto. Tomas, Batangas
  • Steward Inc., B1 L8 Atis St., Millwoodville Subd., Brgy. Pulo, Lungsod ng Cabuyao, Laguna
  • Daleon Compound, Brgy. 11. Lungsod ng Lucena, Quezon

Ang Southern Tagalog Serve the People Corps (STP Corps) ay isang non-profit na organisasyon na pangunahing nakikilahok sa iba’t ibang relief and rehabilitation program sa mga naging biktima ng mga kalamidad. Patuloy na maaabot ang grupo sa kanilang opisiyal na Facebook accounts.

 Lathala mula sa Serve the People Corps – Laguna / Facebook

Nanawagan din ang Serve the People Corps – Laguna sa mga may kakayahang makapagpaabot ng tulong sa mga biktima ng bagyo sa pamamagitan din ng kanilang donation drive. Maaring magpaabot ng monetary at in-kind na donasiyon sa kanilang organisasiyon sa mga ibinigay nilang account at contacts. 

Ang Serve the People Corps (STPC) – Laguna ay isa ring non-profit na organisasyon na pangunahin ring nakikilahok sa iba’t ibang relief and rehabilitation program kasama ng iba pang mga volunteer groups gaya ng Southern Tagalog STP Corps. Patuloy silang maaabot sa kanilang opisiyal na Facebook at Twitter accounts.

Bayanihan at Pagtugon ng buong UPLB

Lathala mula sa UPLB Agapay / Facebook

Maari rin magpaabot ng tulong at donasyon ang komunidad ng UPLB sa isinulong na inisyatiba ng UPLB Agapay, ang kasalukuyang Disaster Response Task Force ng unibersidad. Sa kasalukuyan, maaari na makapagpadala sa kanilang mga inilunsad na accounts at contacts. Para naman sa mga in-kind na donasyon, pangunahin silang maaabot sa Student Union Building, UPLB Campus. Para sa iba pang impormasyon patungkol sa programa, maaari silang sanguniin sa STPB – UPLB Facebook at Twitter accounts.

Pinapangunahan ang programang ito ng Serve The People Brigade – UPLB, UPLB Office of the Vice Chancellor for Student Affairs, UPLB Ugnayan ng Pahinungod, UPLB University Student Council, at ng All UP Academic Employees Union – Los Baños. 

Mga Lathala mula sa UP Novo Ecijanos / Facebook at sa UP SMES / Facebook

Tumugon din sa gawaing pagtulong ang ilang mga varsitarian organizations ng unibersidad. Isa na rito ang donation drive na isinulong ng UP Novo Ecijanos, ang organisasyon ng mga mag-aaral ng UPLB na mula sa probinsya ng Nueva Ecija. Isa ang Nueva Ecija sa mga matinding hinagupit ng Bagyong Karding na nagdulot ng pagbaha sa mga palayan at taniman ng lalawigan. Maaring magpaabot ng monetary donations sa organisasyon sa mga sumusunod na bank accounts at contacts. 

Landbank:  4016025114 (Marian Stephanie Vergara)

GCash: 0917 118 1845 (Marian Stephanie Vergara)

Ayon sa organisasyon, pangunahing mapupunta sa mga apektadong magsasaka ang malaking bahagdan ng malilikom na donasyon. Para sa karagdagang impormasyon, maaabot ang organisasyon sa kanilang Facebook at Twitter accounts.

Karagdagan sa programang ito, sumuporta rin ang UP Society of Management and Economic Students (UP SMES) sa panawagan ng pagtulong, kung saan ang malilikom naman nila sa kanilang inilunsad na donation drive ay direktang ding mapupunta bilang suporta sa mga kababayan ng UP Novo Ecijanos sa Nueva Ecija at sa UP Sandiwa Samahang Bulakenyo sa lalawigan naman ng Bulacan, mga probinsiyang lubos na naapektuhan ng Bagyong Karding. Maaring magpaabot ng monetary donations sa organisasyon sa mga sumusunod na bank accounts at contacts.

Landbank:  5626698885 (UP SMES)

GCash: 0945 661 2030 (Giana Jade A.)

Para sa ibang impormasyon sa nasabing donation drive, maaring sanguniin ang kanilang opisyal na post sa kanilang Facebook page.

___

Para sa iba pang mga pagkilos, at mga gawain ng mga volunteer groups sa loob at labas ng Timog-Katagalugan, maaaring sanguniin ang ilan pa sa mga sumusunod na inisyatiba ng pagtulong na kasalukuyang inilunsad para sa mga nasalanta ng Bagyong Karding:

Mga Lathala mula sa Sagip Kanayunan / Facebook at sa SAKA / Facebook

Panawagan din ng tulong ang ipinaabot ng Oplan Sagip Kanayunan at Tulong Anakpawis partikular na sa mga nasalantang magsasaka, magbubukid, at mangingisda sa Gitnang Luzon at Timog-Katagalugan. Patuloy nilang pina-igting ang pagpanawagan ng #StandWithFarmers lalo na ngayon sa gitna ng panibagong dagok na kakaharapin ng sektor ng pagsasaka at pangingisada dulot ng malaking pinsalang iniwan ng bagyo.

Maaring ipaabot ang tulong na donasyon sa mga ibinigay nilang accounts at contacts. Para naman sa mga in-kind na donasyon, maaring magpaabot ng mga relief goods, damit at ilan pang mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng bagyo sa #56 K-9th St., West Kamias, Quezon City. Para sa iba pang impormasyon patungkol sa nasabing programa, maaari silang maabot sa Oplan Sagip Kanayunan Facebook page.

Kabalikat ng programang Sagip Kanayunan ang Anakpawis, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), Sining na Naglilingkod sa Bayan (SINAGBAYAN), National Network of Agrarian Reform Advocates (NNARA) – Youth, Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA – Pilipinas), Amihan National Federation of Peasant Women, Sama-samang Artista para sa Kilusang Agraryo (SAKA), Artista ng Rebolusyong Pangkultura (ARPAK), Sentro Para sa Tunay na Repormang Agraryo (SENTRA), at ng Rural Women Advocates (RUWA).


Orgwatch is an initiative by UPLB Perspective that aims to strengthen its efforts in promoting a pro-student and well-informed community. Interested parties who wish to include their efforts in this list may contact Perspective through their official Facebook page. [P]

0 comments on “TINGNAN: Bayanihan at inisyatiba para sa mga sinalanta ni #KardingPH

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: