Orgwatch Southern Tagalog

TINGNAN: Bayanihan para sa mga naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro

Malaking dagok pa rin sa kabuhayan at komersiyo ng lalawigan ng Oriental Mindoro ang pinsalang idinulot ng oil spill mula sa paglubog ng MT Princess Empress motor tanker noong Pebrero 28. Sa kasalukuyan, ayon na rin sa Philippine Coast Guard, naapektuhan na rin ng oil spill ang mga karatig probinsiya ng Palawan at Antique.

Bilang tugon, iba’t ibang grupo at organisasyon na ang naglunsad ng mga inisyatiba pangunahin na ang mga donation drives upang agarang makapagpaabot ng tulong lalo na sa mga mangingisda sa mga direktang naapektuhang baybaying komunidad.

– – –

Mga lathala mula sa UP Mindoreños / Facebook at Twitter

Isa sa mga unang naglunsad ng malawakang donation drive ang organisasyon ng UP Mindoreños, varsitarian organization ng mga mag-aaral ng UPLB na tubong Mindoro. Noong Marso pa unang inilunsad ng organisasyon ang pagtangap ng monetary donation, na agarang sinundan rin ng panawagan nila ng in-kind donation.. Para sa mga nais magpaabot ng tulong, tumatangap pa ang organisasyon ng donasyon hanggang Abril 9, sa mga sumusunod na bank accounts at drop-off points.

  • GCASH: 0916-227-6191 (Charlize Althea Leyco)
  • LANDBANK: 3456062651 (Mark Ivan Padilla)
  • BPI: 8969181712 (Ashley Nicole Anyayahan)

Drop-off points (9:00 AM to 5:00 PM)

  • CDC building
  • CAS A1 building
  • CAS A2 building
  • Physical Science building
  • CEAT building B
  • REDREC building
  • SFFG building (CFNR)

Ayon sa organisasyon, pangunahing mapupunta sa mga apektadong mangingisda at kanilang mga pamilya ang malaking bahagdan ng malilikom na donasyon. Para sa karagdagang impormasyon o suhestiyon, patuloy na maaabot ang organisasyon sa kanilang Facebook at Twitter accounts. Maari din silang maabot sa kanilang email account  (upmindorenos2007@gmail.com) o sa kanilang contact no. (0907-033-3324).

Ang inisyatibang ito ay sa pagtutulungan ng UP Mindoreños at ng UPLB College of Engineering and Agro-Industrial Technology Student Council, kasama ang UP SIBOL, RTU PICE Civil Engineering Students’ Society, at ang Millennials PH Occidental Mindoro.

– – –

Mga lathala mula sa Southern Tagalog Serve The People Corps / Facebook

Nanawagan din ang Southern Tagalog Serve the People Corps sa buong Timog-Katagalugan sa mga may kakayahang makapagpaabot ng tulong sa mga apektadong pamilya at residente sa pamamagitan din ng kanilang inilunsad na donation drive. Maaring magpaabot ng monetary at in-kind na donasiyon sa kanilang organisasyon sa mga ibinigay nilang account at contacts. Ang inisyatibang ito ay sa pagtutulungan ng Southern Tagalog Serve the People Corps at Brigada Kalikasan.

Ang Southern Tagalog Serve the People Corps (STPC) ay isang non-profit na organisasyon na pangunahing nakikilahok sa iba’t ibang relief and rehabilitation program sa mga naging biktima ng mga kalamidad. Patuloy na maaabot ang grupo sa kanilang opisiyal na Facebook accounts.

– – –

Mga lathala mula sa AGHAM – Advocates of Science and Technology for the People / Facebook

Malawakang pagkilos din ang inilunsad ng Advocates of Science and Technology for the People (AGHAM) upang makatulong din sa mga naapektuhan at nasalanta ng insidente. Sa pakikipagtulungan din sa Brigada Kalikasan, nagsulong din sila ng isang monetary donation drive sa mga nagnanais din magpaabot ng tulong. Maaring magpadala sa kanilang mga ibinigay na impormasyon ng kanilang mga bank accounts.

Ang Advocates of Science and Technology for the People (AGHAM) ay isang non-governmental organization na binubuo ng mga siyentipiko, inhinyero, mananaliksik, at mga manggagawa sa agham, na pinagsama-sama sa iisang layunin ng pagtataguyod ng agham at teknolohiya para sa mas malawak na interes ng mamamayang Pilipino. Ang organisasyon ay aktibong nagbibigay ng mga direktang serbisyong teknikal bilang suporta sa mga marginalized na komunidad at patuloy na pagpanawagan ng mga kampanyang adbokasiya na may kaalaman sa agham.


Orgwatch is an initiative by UPLB Perspective that aims to strengthen its efforts in promoting a pro-student and well-informed community. Interested parties who wish to include their efforts in this list may contact UPLB Perspective through their official Facebook page. [P]

0 comments on “TINGNAN: Bayanihan para sa mga naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: