by DIANA JANE PLOFINO
Tol! Tapos na ang #TanglawUPLBFebFair2016! In fairness, ang takaw character ng hashtag GG. So nasaksihan na natin ang nagsilabasang iba’t ibang abilidad, at lihim na lakas ng sangkatauhan (lalo na ng mga kalalakihan)na nagmula pa sa agimat at anting-anting na makapangyarihan. Mga agimat at anting-anting na may iba’t ibang pormang, nililok pa ng mga diwata, dinasalan ng mga albularyong mahiwaga,pinatibay ni Datu Sikatuna, at itinago ng mga Panginoong may lupa. At ngayo’y, nasa pangangalaga na ng mga superhero ng kasalukuya’t hinaharap. Kaya mga tol! Eto na! Eto na sila, ang mga superherong siguradong nakasalubong mo, simula pa nung Martes, mga superherong tuwing Pebrero mo lang makikita. Dito, ditu sa Unibersidad ng mga Pahipster at Looking for Bang! Babeem!
- Hook-eye
Tingin pakilawa at pakanan, *target locked*, ayun sa booth ng may malaking…! Matalas ang kanilang paningin, kaya’t mabilis silang makatagpo ng makakalaban para sa isang gabi. Siya ang superherong uhaw makaganti matapos matalo sa unang/pangalawa/pangatlong/…/nth na pakikitunggali sa pag-ibig.
- GCbel
Sa lahat ng superhero siya ang pinakamaraming kalaban. Si Quiz, Reaction Paper, LRP Topic, isama mo pa pati si simpleng Seatwork, Open Notes ay ilan lamang sa listahan. Ngunit, dahil sa kalasag niyang handouts at espada niy
ang highlighter, kahit nagwawala na si Gloc-9 sa stage rock on lang kaya nila pagsabay sabayin ang mga kalaban, huwag lang magBAGSAKAN.
- Inspireder Man
Pronounced as Ins-payrd-der Man (as in Inspired). Ang maipilit lang na sounds-like superhero, pero kahit pilitang pangalan, siya ang superherong di na kelangang ipagpilitin ang sarili sa iba dahil may nagmamay-ari na hart hart! Bangag na bangag siya sa pagmamahal at ang tanging kalaban niya ay ➼ </3.
- Super Marlou
Sino nga bang makatatalo sa taong matibay ang loob? Tipong Mang Jose, ang superhero na pwedeng mong arkilahin, pero siya okay lang kahit libre, “Bashtah pakish, shapat nah”. Pinsan niya si Hook-eye, at ang pinagkaiba nila si Hook-eye ay my first, second, …, nth, siya wala, buti na nga lang biniyayaan siya ng kapal ng mukha.
- Super Inggo
Tulad ng pangalang niyang walang kaugnayan sa kapangyarihan niya, wala siyang pakialam kung di sya sumusunod sa norm/trend basta nandito siya sa Feb Fair para rumak, pumarteh at magpahena. Patahi-tahimik lang sila ngunit kapag mundo nila’y nayanig“kalaban ang kalaban, kalaban ang kakampi”. Puputok ang tago nilang lakas malaSuper Saiyan kapag nasagi mo ang kinakain nilang inihaw na mais.
* * *
Sino ka ba sa kanila? O sino idolo mo sa mga superhero na ito? None of the above ba ang sagot mo?
Parang may kulang sa listahan di ba? Sa mga superherong nagsulpotan sa bahagi ng taong ito, nasaan na nga ba ang kanilang mga ninuno, ang orihinal na superhero, ang Isagani sa El Filibusterismo, ang siyang nagpakawala ng santelmo? Ang aynying nya imamaw nyang nyupnyake mo, ang boses ng mga ngongo, ang pag-asa ng mga pango… Pero seryoso na mga tol, usapang babae na to, walang talkshitan, di ushapang lashing, usapang intelektwal lang (warning: the next paragraph is explosive for azzhulz)
Ang mga superhero na ito, wala mang malaLaser eyes ni Hook-eye, magic handouts and highlighter ni GCbel,Mary Jane ni Inspireder Man,poisonous face ni Super Marlou, at kamehameha wave ni Super Inggo, taglay naman nila ang agimat ng paninindigan, anting-anting ng pakikialam, at kapangyarihan ng pagkilos. Ang superhero na ito ay walang iba, kundi ang TUNAY na Iskolar ng Bayan PARA sa Bayan. At siya, siya ay si Kabataan, ang “Taliba sa Pulitika ng Pagbabago”, ang TANGLAW ng bayang ito. Rak! \m/ [P]
0 comments on “Da Feb Fair Shooperheroes”